International News
UK PRIME MINISTER BORIS JOHNSON, NAKA ICU DAHIL SA PAGLALA NG COVID-19 SYMPTOMS


Inilipat sa Intensive Care Unit (ICU) si UK Prime Minister Boris Johnson kahapon matapos lumala ang kanyang sintomas sa COVID 19.
Naunang na admit ang 55 anyos na si Johnson sa St. Thomas hospital sa London linggo ng gabi para umano sa kanyang routine tests at ayon sa kanyang social media post nasa mabuti syang kalagayan.
Ngunit ikinagulat ng mga Briton ang biglang pagbabago sa kalusugan ng leader.
Dahil dito, nagpaabot ng mensahe ng pagsuporta ang mga pulitiko at mg kaalyado nito para sa kanyang mabilisang paggaling.
Ayon sa Downing Street officials, conscious naman si Johnson at ang paglipat sa kanya sa ICU ay paghahanda lamang sa oras na kailangan niya ang ventilation.
Nauna ng inanunsyon ni Jonhnson noong March 27 na infected siya ng ng nasabing virus at nakakaranas ng mild symptoms katulad ng ubo at lagnat.
Pero kahit nag self isolate siya patuloy pa rin niyang pinapangunahan ang kampanya ng bansa kontra COVID 19 at nagsasawa ng mga meetings sa pamamagitan ng video conferences.
Kinausap na rin niya umano ang first secretary of state at senior cabinet minister na si Foreign Sec. Dominic Raab na maging deputy leader kung kinakailangan.