Connect with us

International News

UN: Populasyon sa mundo, aakyat sa walong bilyon sa Nobyembre 15

Published

on

Larawan mula sa Insider

Inaasahang aabot sa walong bilyon ang magiging populasyon ng mundo sa Nobyembre 15, ayon sa United Nations (UN) forecast nitong Lunes, Hulyo 11.

Ayon pa sa report, mauungusan ng India and China bilang pinakamataong bansa sa mundo pagdating ng taong 2023.

Ayon kay UN Secretary General Antonio Guterres, ang pangkalahatang population milestone na ito ay isang paalala sa lahat na ang bawat isa ay may responsibilidad na pangalagaan ang ang ating planeta.

“This is an occasion to celebrate our diversity, recognize our common humanity, and marvel at advancements in health that have extended lifespans and dramatically reduced maternal and child mortality rates,” dagdag pa niya.

Nakasaad pa sa forecast UN Department of Economic and Social Affairs na mabagal ang paglobo ng populasyon ng mundo at ito ay nasa “slowest pace since 1950”.

Tinatayang aabot sa 8.5 bilyon ang populasyon ng mundo sa 2030, 9.7 bilyon sa 2050, at 10.4 bilyon katao sa 2080.

Bagamat hihina umano ang birth rates sa mga ilang mga developing countries, lolobo naman ang populasyon sa walong bansa.

Kabilang sa listahan ay ang Democratic Republic of Congo, Egypt, Ethiopia, India, Nigeria, Pakistan, Tanzania, at ang Pilipinas.

Continue Reading