International News
Unang Kaso ng COVID-19 Delta Variant sa Bosnia nakumpirma


Nakumpirma ang unang kaso ng Delta variant coronavirus sa Bosnia kahapon, Biyernes Hulyo 2. Isang visiting Spanish pilgrim ang nakakuha sa nasabing virus, ayon sa ulat ng N1 regional television.
Napag-alaman na ang Delta variant, ay nag mula sa isang babae na bumisita sa isang Catholic pilgrimage site Medjugorje sa southern Herzegovina region. Ayon sa N1, kinumpirma ito ng ALEA, isang specialist genetics clinic, na naka base sa Sarajevo.
Malaking porsyento ng populasyon ng Bosnia ang hindi pa nabakunahan, sapagkat ang kanilang “multiple-layered competing governments” ay nabigong bilhin ang mga vaccines. Walang pang opisyal na datos ang mga bilang na nabakunahan.
Ang dalawang autonomous region ng bansa ay hindi tinanggal ang mga pangunahing hakbang ‘key measure’ para maibsan ang coronavirus sa kabila ng pagbaba ng mga kaso at ng mga namamatay sa nakaraang dalawang buwan.
Naitala ng Bosnia na mayroong silang 205,047 na confirmed case ng coronavirus habang 9,667 ang nasawi. Ang kanilang active cases naman ay nasa 11,717 na may average 9.41 bagong kaso kada 100,000 na tao sa nakaraang dalawang linggo, ayon sa civil affairs ministry.
Source: GMANetwork