International News
UP PASOK SA TOP ‘500 UNIVERSITIES’ SA BUONG MUNDO
Pasok ang University of the Philippines sa top 500 universities in the world ayon sa 2020 Times Higher Education World Rankings na inilabas noong Miyerkules, September 11.
Sa 1,400 universities mula sa halos 100 bansa, pumuwesto sa pagitan ng 401 to 500 ang UP, na malaki ang itinaas mula sa 501 to 600 rank sa 2019.
Pasok din sa ranking ang De La Salle University, ngunit bumaba ito sa 1001+ mula sa 801 to 1000 noong 2019.
Ang University of Oxford ang hinirang na top university sa buong mundo na sinundan ng California Institute of Technology at University of Cambridge.
Ibinase ng London-based publication ang ranking sa 13 key indicators na sumusukat sa galing ng pamantasan sa teaching, research, citations, international outlook at industry income.
Kamakailan lang ay hinirang din ang unibersidad bilang ika-apat na best university sa buong Timog-Silangang Asya.