International News
UPDATE-40 BANGKAY NAREKOBER, DEATH TOLL SA PAKISTAN PLANE CRASH, PINANGANGAMBAHANG TATAAS PA
May halos 40 bangkay na ang na recovered matapos mag crashed ang Pakistani plane na may lulang mahigit 100 katao sa may southern city ng Karachi.
Ayon sa mga rescue officials pinangangambahan nilang tataas pa ang bilang ng mga nasawi.
Malapit na rin umano sanang lumanding ang Pakistan International plane ng bigla itong bumulusok pababa sa mga kabahayan at sumabog na ikinamatay din ng mga tao na nabagsakan nito.
Ayon naman kay Faisal Edhi, ng Charitable Edhi Foundation na tumutulong sa mga rescuers may halos 42 bangkay na ang narekober sa crashed site.
Tinataya pa umano nilang may nasa 50 bangkay pa ang natabunan ng mga debris ng eroplano.
Ayon naman kay Syed Nasir Hussah Shah ang information minister ng Sindh province, Karachi, may dalawang pasahero ang naka survived sa trahedya.
Ang pinaka-“ilong” umano ng Airbus A320 at fuselage nito ang malubhang nasira dahil sa impact ng pagbagsak.
Nagkaroon umano ng technical fault ang eroplano at nakatawag pa ng mayday ang piloto nito bago tuluyang masiraan ng makina.
Nauna ng naireport na may lulan itong 91 na pasahero at 8 crew members.
Nangyari ang trahedya sa gitna ng preparasyon ng mga Pakistanis sa buong mundo para sa selebrasyon ng pagtatapos ng Ramadan at pagsisimula ng Eid al-fitr kung saan marami ang nagsibalik pauwi sa kanilang mga lugar.
Ang nasabing eroplano ay nagbabyahe mula sa Lahore papuntang Karachi.