Connect with us

International News

US binalaan ang North Korea na magbabayad kapag nakipagkasundo sa Russia

Published

on

BINALAAN ng US officials ang North Korea na magbabayad kapag nakipagkasundo ito sa Russia.

Ito ay matapos nilang mabalitaan na nag-uusap ang dalawang nasyon patungkol sa mga armas.

Ayon kay White House National Security Adviser Jake Sullivan, hindi maganda ang epekto sa North Korea kapag magbibigay ng armas ang Pyongyang sa Moscow para gamitin laban sa Ukraine at magbabayad ito sa national community.

Sa press briefing nitong Martes, sinabi ni Sullivan na ang pakikipag-usap sa pagitan ng Russia at North Korea ay isang katibayan na ang economic sanctions ng Kanluran ay nagtagumpay sa pag-urong ng baseng industriyal ng depensa ng Moscow.

Samantala, hindi naman idinetalye ni Sullivan ang mga potensyal na epekto nito sa North Korea, na nasa ilalim na ng United Nations at sanction ng US na ipinataw sa mga armas ng mass destruction program ng Pyongyang.

Ang US at mga kaalyado nito ay nababahala naman tungkol sa teknolohiya na hinihingi sa North Korea sa Rusia kapalit sa mga armas.

Kung matatatandaan, nakaraang buwan ay may i-ilang North Korean intercontinental ballistic missile testing ang naganap na nagging sanhi ng mga concern ng Japan, South Korea at USA.