International News
US magdedeploy ng maraming warships at fighter jets sa Middle East
Mas palalakasin pa ng United States ang kanilang military presence sa Middle East sa pamamagitan ng pagpapadala ng dagdag pang mga warships at fighter jets para maprotektahan ang kanilang mga tauhan at ang Israel sa gitna ng nagpapatuloy na tensyon sa rehiyon batay sa Pentagon.
Ito ay kasunod ng banta ng Iran at mga kaalyado na maghihiganti sa pagkamatay ng isang pinuno ng Hamas sa Tehran at isang kumander ng Hezbollah sa Beirut na mas nagpalakas ng tensyon sa Gitnang Silangan.
“The Department of Defense continues to take steps to mitigate the possibility of regional escalation by Iran or Iran’s partners and proxies,” pahayag ni deputy Pentagon Press Secretary Sabrina Singh.
“Since the horrific Hamas attack on Israel on October 7, the Secretary of Defense has reiterated that the United States will protect our personnel and interests in the region, including our ironclad commitment to the defense of Israel.”
Papalitan ng aircraft carrier strike group na USS Abraham Lincoln ang USS Theodore Roosevelt sa rehiyon.
Ipinag-utos din ni Defense Secretary Lloyd Austin ang dagdag na mga ballistic missile at bagong fighter squadron sa Middle East.