International News
US nagpakawala ng airstrikes sa storage facilities ng Iraq
Nagpakawala ng airstrikes ang Pentagon laban sa limang weapons storage facilities ng Iraq bilang tugon ng US sa rocket attack ng Iraq noong Miyerkules na ikinasawi ng dalawang US service members.
Sa pahayag ng US Defense Department, target nito ang Kata’ib Hezbollah, isang Iranian sponsored group kung saan naka-imbak ang mga armas na ginagamit ng Iraq para atakihin ang Estados Unidos.
Maliban sa dalawang Amerikanong nasawi, mayroong 14 pang nasugatan sa North Baghdad nang tumama ang 18 rocket na pinakawalan ng Iraq.
Una rito ay sinabi ni Defense Secretary Mark Esper na binigyan siya ng go signal ni US President Donald Trump para tumugon sa ginawa ng Iraq.
Source: https://edition.cnn.com/2020/03/12/politics/coalition-airstrikes-retaliation-iraq/index.html