Connect with us

International News

ZOMBIE ANIMALS SA DENMARK, IPINAHUHUKAY

Published

on

Milyon-milyong mga mink ang pinatay sa bansang Denmark, na animo’y bumangon mula sa hukay.

Dahil sa pangambang lalong kumalat ang COVID-19, minabuti ng pamahalaan ng nasabing bansa na paslangin ang mga mabalahibong hayop na mink. Nasa labing-dalawa ang nahawaan ng COVID-19 mula umano sa mutated strain ng virus na sinasabing naipapasa ng tao sa mga mink, at naipapasa naman ng mga mink pabalik sa mga tao.

Humigit kumulang 17 milyong mga mink ang agarang ipinapaslang sa pagpasok pa lamang ng nakaraang buwan. Kinitil ang buhay sa pamamagitan ng pagpapalanghap ng nakalalasong gas ang nasabing mga hayop at ding inilibing sa isang military zone sa kanlurang bahagi ng Denmark.

Subalit higit na nabahala ang pamahalaan ng Denmark nang magsimulang magsilabasan sa hukay na animo’y zombies ang mga nakalibing na mink. Sa isang inilathalang ulat ng isang lokal na pahayagan sa Denmark, “hundreds have begun resurfacing, pushed out of the ground by what authorities say is gas from their decomposition.”

Dahil dito, sakaling aprubahan ng environment agency ng Denmark, iminungkahi ni Rasmus Prehn, minister for agriculture, na tuluyang hukayin ang mga mink at sunugin na lamang ang mga labi nito.