Connect with us

Life Hacks

7 Inspirational Books na Makakatulong Sayo na magkaroon ng Bagong Pag-asa at Pananaw sa Buhay

Published

on

7 books

Ang mga nagdaang taon na ito ay mahirap para sa ating lahat. Halo-halong lungkot, stress at pagod ang nararamdaman, ngunit kailangan nating bumangon at magpatuloy sa hamon ng buhay. Basahin ang mga librong ito para magkaroon ng pag-asa at bagong pananaw sa ating buhay at makakuha ng mga bagong skills na siguradong makakatulong sayo.

Sa ibaba, ay pito lamang sa napakaraming magandang libro, na mag-hihikayat sa iyo na magsikap sa abot ng iyong makakaya at mag-isip ng positibo sa kabila ng mga pagsubok nararanasan natin ngayon.

Big Magic: Creative Living Beyond Fear

Big_Magic

By Elizabeth Gilbert

Sa pamagat palang alam mo na agad ang mga aral na iyong matutu-tunan. Bukod sa pag-bibigay ng mga anecdotes tungkol sa wholesome at magandang pamumuhay, gigisingin din nito ang natutulog mong optimism—isang pag-uugali na kailangan na kailangan natin ngayong panahon.

Everything Is F*cked

Everything_is_Fcked

By Mark Manson

Medyo hindi kaaya-aya ang pamagat pero ang librong ito na isinulat ni Mark Manson, isang blogger at author ay naglalahad ng katotohanan lalo patungkol sa pag-asa at pag-papakita ng bagong pananaw sa buhay.

Ikigai: The Japanese Secret to a Long and Happy Life

Ikigai

By Albert Liebermann and Hector Garcia

Ikigai, simple lang ang pamagat ngunit malaki ang magiging epekto sa iyong buhay kapag naisabuhay at naisagawa ang mga nakasulat dito.Alam niyo ba na ang Ikigai ay isang Japanese concept na nangangahulugang lahat tayo ay may reason for living. Basahin ito para lalong maintindihan kung paano humantong sa isang makabuluhan at masayang buhay.

Outliers

Outliers

By Malcolm Gladwell

Practice makes perfect. Totoo kaya ito?
Si Malcolm Gladwell ay kilala sa kanyang mga obrang non-fiction series. Ang Outliers ay sinusuri ang mga factors na nag-aambag kung paano makamit ang tunay na tagumpay sa ating buhay. Hindi siya gaanong guide to life na klaseng libro, pero malalim na tinalakay dito ang 10,000-hour rule kung saan ito’y (literally translates into practice makes perfect.) Hindi ka nakumbinsi? Subukang basahin ang libro.

The 7 Habits of Highly Effective People

The_7_Habits_of_Highly_Effective_People

By Stephen Covey

Anu-ano kaya ang mga ginagawa o habits ng mga taong matagumpay sa buhay? Lahat tayo, syempre gusto maging maayos ang kinabukasan, kaya alamin ang mga habits ng mga highly effective people at i-apply sa sariling karanasan at buhay.

Who Moved My Cheese?

Who_Moved_My_Cheese

By Spencer Johnson

Isang oldies ang aklat na ito ngunit maraming gintong aral ang iyong matutunan dito. Bagamat nai-publish ang libro noong 1998 pa, ito’y naglalaman ng mga pangunahing prinsipyo na mananatili sayo habang buhay. Ang kwento ay patungkol sa apat na mga karakter at ang kanilang naging tugon sa mga iba’t-ibang sitwasyon. Hinihikayat nito ang mambabasa na maging adaptable at tumugon sa mga bagong opportunidad na darating o nandyan na mismo sa iyong harapan.

You Are a Badass: How to Stop Doubting Your Greatness and Start Living an Awesome Life

You_are_a_Badass

By Jen Sincero

Nawawalan ka na ba ng tiwala sa iyong sarili? Subukan at basahin ang aklat na ito na naglalaman ng nakakaaliw na mga kabanata. Ito’y nagbibigay ng payo, mula sa kung paano baguhin ang iyong pananaw at paniniwala sa sarili. Nilalahad din dito kung paano lumikha at gawing kaaya-aya ang buhay.

Continue Reading