Connect with us

Life Hacks

8 EASY TIPS PARA MAGING MAS MABUTING PARTNER NGAYONG 2021

Published

on

Larawan mula kay Toa Heftiba sa Unsplash

Sinubok tayo ng husto noong 2020. Kaakibat ng pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 ay ang pagkawala ng maraming trabaho, pagkakasakit ng ilang sa ating mga kamag-anak, kaibigan o kakilala, at ang matagalang social isolation na dulot ng ipinatupad na home quarantine.

Dahil dito, maraming mga magkarelasyon ang nakaranas ng friction o tensiyon.

Paano nga ba natin mapapanumbalik ang harmony at kasiyahan sa relasyon ngayong taon?  Maraming mga outside factors ang nakakaapekto sa iyong relasyon na hindi mo kayang kontrolin,  ngunit ayon sa mga relationship experts at therapists, may kakayahan ka namang baguhin ang paraan ng iyong pakikitungo sa iyong partner.

Narito ang mga maaari mong gawin upang maging mas mabuting partner ngayong taon.

1. TANUNGIN MO ANG IYONG PARTNER KUNG ANO ANG MGA PWEDE MONG GAWIN UPANG MA-FEEL NIYA NA MAHAL MO SIYA

Mabuting  alam mo ang love language ng iyong partner,  ngunit mabuting tukuyin mo rin kung ano ang mga pwede mong magawa para ma-feel niya na sobra mo siyang mahal.  Ito ay dahil nag-iiba ang mga gusto o preferences ng mga tao habang lumilipas ang panahon.

“Talk with your partner about more nuanced ways you both feel loved, cared for and seen,” payo ni Brittany Bouffard, isang psychotherapist na nakabase sa Denver.

“Maybe more than your partner’s action of washing the dishes, you feel especially relieved if they called the internet company to dispute a bill — or another adulting task you dread,” dagdag pa niya.

Hindi umano  ibig sabihin nito na hindi mo na siya tutulungan sa ibang nga pang-araw araw na gawain tulad ng paghuhugas ng pinggan, ngunit mabuti na rin na alam mo ang mga tiyak na gestures na pinaka-naa-appreciate niya.

Gawing bonding time ninyo na ang bawat isa sa inyo ay gumawa ng listahan ng mga acts of love na pinaka-gustong  matanggap at i-share ito sa ka-partner.

2. GAWIN SA PARTNER ANG MGA NAKALAGAY SA KANYANG LISTAHAN

“Maybe it’s making sure that the back door is locked or the cats have been let in,” suhestiyon ni Winifred Reilly, isang marriage and family therapist sa Berkeley, California. “Or perhaps keeping track of how much half-and-half is left before you run out.”

Tandaan na kahit ang mga maliliit ng mga bagay ay maa-appreciate pa rin ng partner. Nag-share pa si Reilly ng kanyang personal na experience:“The other day I brought my husband a cup of tea and quietly set it on the desk while he was working,” ani Reilly. “He told me later it was the best part of his day.”

3. GAWIN ANG MGA PINANGAKONG GAGAWIN

Hindi maiiwasan na paminsan-minsa’y makakalimutan mong bilhin ang bilin niyang paboritong merienda, ngunit mas mag-exert ka pa ng effort para maging isang reliable na partner.

Kapag sinabi mong tatawag ka pagkauwi mula sa trabaho,  tumawag ka.  Kapag nangako kang sasabayan siyang mag-lunch, siguraduhing darating ka.

“Being consistent and doing what you say goes a long way,” sabi ng marriage and family therapist sa Orange County, California na si Anabel Basulto.

Maaari mong gamiting ang teknolohiya upang matulungan kang i-track down ang mga kailangan mong gawin,

“Use technology to your advantage by setting a reminder or alarm. Or use FaceTime, Zoom or text, as they’re all good ways to connect during busy times. You have heard the saying ‘actions speak louder than words.’ This rings true when it comes to relationships,” dagdag pa ni Basulto.

4. MAGLAAN NG PANAHON PARA SA SELF-CARE

Sabi nga nila,  you can’t give what you don’t have.

Walang masama na paglaanan ng oras ang sarili.  Ang paggawa ng mga bagay na makakapag-rejuvenate o makakapanumbalik ng iyong kasiyahan at enerhiya ay makatutulong upang maging best version ka ng iyong sarili.  Ito ay lubhang makatutulong upang maging mas mabuti kang partner.

“If we don’t fill our own cups, it’s pretty much impossible to be present, patient and giving to our partners,” pahayag ni Melissa Robinson-Brown, isang New York City psychologist.

Payo pa niya, “Take time for yourself and focus on restoration so you can show up in your relationship.”

5. HUWAG GAWING BIG DEAL ANG MGA MALILIIT NA BAGAY

“If ever there was a time to know the difference between the small stuff and the big stuff, it’s now,” ani Reilly.

Sabi pa niya, hindi lang ikaw ang nakakaramdam ng pagka-irita ka sa iyong partner sa mga panahong ito.  Dahil sa mga ipinatupad na home quarantine,  24/7 mong kasama ang iyong partner at ang close contact na ito ay maaaring maging overwhelming sa iba.

“Every kitchen drawer left open, every coffee cup left on the counter or jacket left draped on a chair for the bazillionth time can seem like a 10 when it’s really a 2,”  pagbibigay halimbawa ni Reilly.

Kailangan mong tanungin ang sarili kung worth it ba na pansinin mo ang mga maliliit na bagay na ito.  Kung hindi,  pumikit ka, huminga ng malalim, magbilang hanggang sampu, at mag-move on.

Tandaan maaaring may mga nakakainis na  habits ka rin na nakikita ng iyong partner.

“So not making a federal case out of most of them will create a kinder and sweeter tone — which is something we all surely need,” ani pa ni Reilly.

6. PATAYIN ANG TV AY ILAYO ANG CELLPHONE PAMINSAN-MINSAN

Oo, mas dumami ang oras na magkasama kayo sa iisang bubong noong nakaraan taon, pero hindi ibig sabihin noon ay nagkaroon kayo ng mas maraming quality time.  Pwedeng naging mas madalas kayong magkasamang nanonood ng TV o Netflix habang nagpi-Facebook o nakikipag-chat sa Messenger, ngunit bihira kayong nagkaroon ng panahon na mag-usap nang masinsinan o mag-connect.

Makabubuting mag-set ng oras kung saan ilalayo nyo pansamantala ang mga digital distractions at mas tutukan ang pagba-bonding ninyo ng partner.

“Make more time to slow down and really ask how your partner is doing,”payo ni Bouffard.

Dagdag pa niya,  “Watch out for going ― or speeding ― through the motions. Turn off the TV and get off your phones. If you aren’t sure what to say, there are lots of conversation-starter games and books for couples out there”.

Mahalaga umano na iparamdam mo sa iyong partner na ikaw ay talagang nakikinig at nandiyan para sa kanya.

7. MAGING MAS MABUTING TAGAPAKINIG

Aminin mo na may mga oras na habang nagsasalita ang partner mo, naglalakbay din ang diwa mo.  May iniiisip kang mga kailangan mong gawin,  mapa-tabaho man o gawaing-bahay.  Maaari ring nag-iisip ka ng iyong isasagot sa kung ano man ang sinasabi ng iyong partner, o iniisipan mo ng solusyon ang kaniyang isini-share na problema kahit na ang kailangan lang naman niya ay ang pakinggan mo siya.

“One of the most valuable things you can do for your partner is to communicate to your partner that you’ve truly heard what they had to say,” sabi ni Robinson-Brown.

Maipaparamdam mo sa iyong partner na tunay kang nakikinig kung ibibigay mo nang buo ang iyong atensiyon sa tuwing may sinasabi siya.  Huwag din kalimutang uuliting o ire-reflect ang sinabi niya upang masiguro na naiintindihan mo ang kanyang sinabi.

8. DALASAN ANG PAGSABI NG “THANK YOU” NANG PERSONAL

Siguro ay nakaugalian niyo nang magpalitan ng thank you at mga heart emoji sa chat o text, ngunit gaano kadalas mo iyan sinasabi sa personal?  O kailan ang huling beses na sinulatan mo ang iyong partner upang ipaalam sa kanya na naa-appreciate mo siya?

“Try [saying “thank you”] the non-tech way, even if it takes 20 extra seconds to grab a pen, or say ‘I love you’ into your partner’s eyes with a hug,” payo ni Bouffard. “Tech is a great timesaver but not a strong connector.”

Hindi mo man nakikita ang kahalagahan ng pagpapasalamat para sa paggawa niya ng  mga pang-araw araw na gawain tulad ng paghugas ng pinggan o pagtapon ng basura,  ngunit hindi naman makakasama na iparamdam sa kanya na pinahahalagahan mo ang kanyang mga tulong.

“Both of you making an effort to say it more often in person can certainly make a happy difference,” pagtitiyak ni Bouffard.

Continue Reading