Life Hacks
Gustong maging matalino at palakaibigan ang anak? Paglaruin mo ng video games
Ayon sa isang pag-aaral, ang sikreto upang maging matalino at palakaibigan ang mga bata ay ang paglalaro ng video games. Oo, mahirap paniwalaan pero may katotohanan!
Ayon sa isang pag-aaral na nai-publish sa journal na Social Psychiatry and Psychiatric Epidemiology, ang mga bata na naglalaro ng video games ng lima o higit pang oras sa isang linggo ay nagiging mas magaling sa klase kaysa sa mga bata na hindi naglalaro.
*insert hiyawan ng mga gamers*
Dagdag pa sa pananaliksik, ang madalas na paglaro ng video game ay nagbibigay ng 1.75 na mas mataas na tsansa na magkaroon ng “high intellectual functioning,” ang mga bata. Mayroon din silang 1.88 mas mataas na tsansa na magkaroon sila ng “high overall school competence.”
Bagong henerasyon ng video games
Dahil sa karamihan ng games ngayon ay live multiplayer o nalalaro nang may kasama, sinasabi na ang mga kabataan na laging naglalaro ay mas socially engaged o mas magaling makisalamuha sa kapwa. Mas kakaunti rin daw ang ang mga relationship problems nila kaysa kanilang mga kaedad na bihira o hindi naglalaro. Maaaring dahil ito sa pagdami ng mga video games na naghihikayat sa mga manlalaro na magtulungan para makamit ang iisang layunin. Halimbawa na riyan ang sikat na Mobile Legends.
Ang mga resulta ng pag-aaral ay nakakagulat. Ito ay lalo na’t may mga pag-aaral noon na nagsasabing ang mga video games ay may hindi magandang dulot sa pag-focus ng mga bata sa mga gawaing kailangan ng matinding konsentrasyon, tulad na lamang ng pag-aaraal.
Subalit, may mga pag-aaral naman na naipalabas na nagsasabi ng kabaligtaran. Isa na riyan ay ang pag-aaral na ginawa ng mga mananaliksik ng School Children Mental Health Europe project. Kinapanayam nila ang mga magulang at guro ng higit 3,000 na mga bata mula sa anim na European Union countries. Napag-alaman nila na ang mga bata na laging naglalaro tuwing weekdays ay hindi lamang angat sa academics at socialization. Sila rin ay hindi nakararanas ng “emotional or mental health problems,” ayon sa Games and Learning Publishing Council.
“I think what we’re seeing here is the evolution of gaming in modern society. Video games are now a part of a normal childhood,” ani Katherine Keyes, isang propesor sa Columbia University.
Bagong henerasyon ng mga gamers
“It’s no longer that kids who play a lot of video games are the isolated, techy, brainy kids. What we’re seeing here is that kids who play a lot of video games are socially integrated, they’re prosocial, they have good school functioning and we don’t see any association with adverse mental health outcomes,” daagdag pa niya.
Ngunit nagbabala si Keyes na hindi ibig sabihin nito ay maaari nang papabayaan ang mga bata na maglaro hangga’t gusto nila. “We caution against over-interpretation, however, as setting limits on screen usage remains an important component of parental responsibility as an overall strategy for student success.”
Binigyang diin ni Keyes at kapwa niya mga mananaliksik na ang paglalaro ng video games ay may mga “positive effects on young children.” Gayunpaman, nagpahabol sila sa kailangan pa ng mas malalim na pag-aaral tungkol sa isyu na ito.
BAKA INTERESADO KA. Tech Hacks para sa mga magulang na gustong makasigurong angkop sa edad ang pinapanood ng kanilang mga anak, i-click lamang ang link na ito.