Connect with us

Life Hacks

HUGOT NG MGA SUBJECT TEACHER NGAYONG BUWAN NG MGA PUSO! ❤

Published

on


PRINCIPAL: Anong major ng teacher na may low IQ sa pag-ibig?

ENGLISH_Teacher:Mam, mga taga Math po…pilit pong hinahanap ang value ni “X”… di po maka-move on.

MATH_Teacher: Bakit kami? Baka mga taga Araling Panlipunan…ang hilig balikan ang nakaraan, kaya madalas nasasaktan…na minsan tinawag clang “minahal”.

HISTORY_Teacher: Wag kami! Ang pagtawanan nyo, yang mga taga-Science. Pinag-aralan na lahat ng chemical formula, ganun pa rin, wala pa ring chemistry. Ang malupit pa, nagvfocus lang yata kay Newton…lakas ng impluwensya ng law of gravity. Libangan na ang ma-fall!

SCIENCE_Teacher: Hahahaha…ung mga taga-Mapeh ah! Tumakbo pa. Paano mo maaabutan ang taong iba ang hinahabol? Ang malala pa, nagbigay na nga ng first aid, naging abstract pa ang relationship! Hirap intindihin!

MAPEH_Teacher: Eh yung mga taga-TLE ang pansinin nyo! Kahit punit na, tinatahi o tinatagpian pa. Sa huli…basahan lang pala. Pinagluto pa nga, ang ending ayun nasa menu. One of the choices lng pala! Kung gaano kasarap magluto, ganun kapait ang naramdaman nang nasaktan. Ayan tuloy sa iba tinatabangan.

TLE_Teacher: Maayos kami. Normal kami…Bakit di yung mga taga-Filipino? Tagalog nman di pa rin maintindihan. Mahirap bang intindihan ang “wala ngang pagmamahal” at “hindi k nga mahal”? Sinabihan na nga ng Noli Me Tangere, nagbigay pa ng “Huling Paalam”…

FILIPINO_Teacher: Bakit di ung mga taga-ESP ang tanungin nyo?Itinuturo ang tamang pagpapakatao, ayaw nman pahalagahan ang dpat na tao. Mas gusto pa ang niloloko!

ESP_Teacher: Husay ah. Nagpapakabait kami dito ha. Yung mga taga-English ba? Di na malaman kung saan mate-tense! Ke past, present, o ke future! Daming grammar rules, ayaw naman tumigil sa exemptions. Pag niloko, panghimagas na yata ang alibi. Gagamitan pa ng mala-Romeo and Juliet n lines. Ang dulo, nang dahil sa pag-ibig, ayun namatay. Hehehe!

ENGLISH_Teachers: Ewan ko ba senyo madam principal. Alam nyo na ngang meron kaming pinagdaraanan, gusto nyo pa kaming obserbahan!