Connect with us

Life Hacks

Mga Kaugalian sa pera na nagpapahirap sa buhay mo na dapat nang baguhin ngayon!

Published

on

Gumuho ang ating buhay dahil sa pandemiya. Karamihan nawalan ng kabuhayan, at ang mga iba naman ay nakakita ng oppurtunidad at umunlad. Pero, ano ba ang ating dapat gawin upang maiwasan bumalik sa kahirapan? Kung iyan ang iyong tanong, tamang-tama ang gabay na ito para sayo . Narito ang mga dapat nating isaisip at bigyan ng pansin pagdating sa pera upang buhay ay bumuti.

Walang maliwanag na layunin pag dating sa pinansyal na aspeto

financial goal

Unang paraan para mapaunlad ang buhay mo ay ang pagkakaroon ng “goals” o “target” na nais mong makamit pagdating sa pananalapi. Paraan ito upang hindi malihis ang ating pag-iisip at hindi maging sunod-sunuran lamang sa uso. Sapagkat kapag hindi natin alam kung ano ang gusto o nais makamit, hindi mo malalaman ang target mo. As a result, hindi ka magkakapag-laan ng oras para doon at hindi mo rin iyon magiging priyoridad.

Maling Pag-iisip na “maaga pa” para magsimulang mag-ipon

to-save-or-not-to-save

 

Lahat ng mga extra o kapag may “spare” kang kinikita, huwag ito gastusin agad agad sa halip ito’y ipunin na lang. I- prayoridad ang pag-iipon ng pera. Tayong mga pinoy, mahilig tayo sa instant gratification, kesyo “I deserve this” o kaya “pinaghirapan ko naman ito” gagastos tayo agad kaysa maging masinop. Isang paraan kung saan pwede mo ilaan ang iyong pera ay kung ito’y ii-invest para magkaroon ng ibang pagkukunan pagdating ng panahon.”Nothing is ever too early; as young as you are, it’s better to start saving now; indeed, you won’t regret it in the long run.”

Ginagawa mo lamang ito para sa pera

chasing-money

Kung nag hahanapbuhay ka lamang para sa pera, kahit gaano karami pa ang iyong kitain, ito’y hindi magiging sapat. Kahit ikaw na ang may pinaka-mataatas na sahod sa inyong kumpanya, makakaramdam ka pa rin ng parang kulang pa.

Totoo, mahalaga ang pera kailangan ito para makabili ng pagkain, makabayad ng upa sa bahay, kuryente, tubig at iba pa. Pero, huwag na huwag mong hayaan ang iyong sarili na kontrolin ka nito. Katulad ulit ng sinabi ni Mr. Chinkee Tan, “The More You Pursue Money, the More Money will Run away from you.”

Pag sasawalang bahala sa mga utang

utang-na-hindi-mabayaran

Kapag sang damakmak na ang problema sa mga bayarin, at marami nang utang ang hindi mabayaran, ano ang karaniwang response natin dito? Tatakbuhan at kakalimutan na lamang ba natin ito? Kung iyan ang iyong nakasanayan, hindi uunlad ang iyong buhay.

Tandaan, walang problemang hindi kayang solusyunan, alam kong mahirap pero, kaysa talikuran mo ang iyong mga utang, harapin dapat ang mga ito, wala namang hindi nakukuha sa magandang usapan. Isipin mo rin na habang tumatagal, ang mga interest sa iyong utang or load ay lumalaki at lumiliit ang ating mundo dahil sa dami ng mga taong ating pinag-kakautangtan. Tandaan ang mga taong hindi marunong magbayad nang kanilang utang ay hindi umuunlad.

Pamumuhay nang higit sa iyong pinansiyal na kakayanan

shopping-pa-more

Pagkalipas ng pandemiya, at maluwag na ang mga travel restrictions, sigurado, marami sa atin ay may plano na para makapag-bakasyon, at gawin ang mga bagay na nakasanayan natin noon para makahinga na rin sa wakas.

Wala naman masama na mag-enjoy at bumili ng mga bagong kagamitan, pero siguraduhin muna na ang lifestyle mo ay naayon sa iyong financial capacity. Mas maigi na tayo ay dapat mamuhay “below our means” o dapat ang lifestyle natin ay simple lang o kaya’y mas mababa kaysa sa ating kakayanang pinansyal.

Kawalan ng Pagpapahalaga sa Pinag hirapang Pera

pagwawaldas-ng-pera

Pagkatapos mong pag-isipan kung ano ang iyong mga “goals” sa buhay, ang pagbibigay halaga sa ating pinaghirapang pera ang magbibigay sa atin ng purpose at direksyon patungo sa target na nais mong makamit. Dito rin pumapsok ang disiplina at attitude kung paano mo mahandle ang iyong pananalapi.

Kawalan ng disiplina sa pag-ba-budget

poor-budgeting

Sa madaling salita, mahalaga ang pag-ba-budget sapagkat tumutulong ito sa pag-ko-control at pag subaybay sa iyong mga gastusin, nang sagayon, mas marami tayong maitabi o maipon. Nakakatulong din ito sa pag gawa ng mga desisyong pinansyal, gaya ng pagkakaroon ng budget para sa mga emergencies, pag babayad ng utang at iba pang long-term financial goals.

Pagpili sa mga materyal na bagay kaysa sa pagpapaunlad ng sarili

luxury-things

Lahat ng bagay sa mundo ay masisira, mawawala, pero ang natutunan mo, ang mga naexperience mo, ay makakabuti, makakatulong at pwede mo rin maipapasa. Walang masama na bumili ng mga bagong kotse o mga ari-arian, ngunit mas bigyang pansin natin ang pag-improve o pag papaunlad ng ating sariling kakayahan kaysa sa mga materyal na bagay.

Isa sa mga magandang matutunan para mapaunlad ang sarili ay ang kaalaman sa pag-iinvest at pag-aaral ng financial education. Makakatulong ito sayo ngayong at hanggang sa pangmatagalan na panahon sapagkat mas maiintindan at mauunawaan mo kung paano ang magamit ng tama ang iyong pera.

Madaling Sumuko

give-up

Tayong mga Pinoy, karamihan sa atin madaling sumuko sa laban, “Bahala na si Batman, ayaw ko na” lalong lalo na kapag tuloy tuloy ang pagdating ng mga problema o ang mga suliranin ay hindi pa rin matapos tapos. Pero ang hindi natin napapansin ay ang “oppurtunies are often in disguises” sa lahat ng talo sa negosyo, masakit, oo, ngunit dapat hindi tayo aayaw.

Tandaan, lahat ng nagwawagi ay hindi umaayaw at lahat umaayaw ay hindi magwawagi. Sigurado ako, lahat ng pinaghihirapan mo ngayon, will not go to waste. Nasabi ko na kanina, pero sasabihin ko ulit, laban lang mga kababayan, lahat ng problema ay siguradong may solusyon.

Pagkakaroon ng negatibong pag-iisip

negative-thinking

“Hindi ako negative, realistic lang ako.” Narinig mo na ba ang mga salitang ito? O baka nasabi mo rin ito? Walang mali sa pagiging realistic, pero minsan ito ang nagiging handlang para makakita ka ng mga oppurtunidad.

Sabi nga ni Chinkee Tan “Alisin mo sa isip mo na hindi ka magtatagumpay sa pag-nenegosyo. Kung nagawa ito ng mga ibang tao at silay nagtagumpay, tiyak na kaya mo rin!”. Hindi pwedeng hanggang salita o “dreams” lang ang iyong gagawin, kailangan din na bigyan mo ito ng tamang aksyon at pag tuonan ng pag-aaral.

Inspired by: Chinkee Tan