Life Hacks
NINONG AND NINANG PROBLEMS AT KUNG PAANO ITO MAIIWASAN
Papalapit na naman ang Pasko. Siguradong nanginginig na naman sa takot ang mga kalamnan at bulsa ng mga ninong at ninang. Maliban kasi sa regalong in kind, may mga parents na nag-eexpect pa ng in cash. 😉 Mas malala pa kung sangkaterbang inaanak ang naghiihintay sa iyo with open arms.
Pero alam mo ba, Ka-Todo, na hindi lang tuwing Pasko namomroblema ang mga ninong at ninang, at hindi lang datung ang dahilan ng kanilang worries.
Basahin ang mga iba’t ibang mga year-round ninong at ninang problems, pati na rin ang mga tips kung paano ito masosolusyunan.
1.Pag-alala ng mga birthdates ng mga inaanak. Isa ka ba sa mga taong hindi matandain sa petsa ng special occasions? Ang pagtanda sa birthdays ng maraming inaanak ay isang malaking hamon sa kahit sinong ninong o ninang. Magiging mas madali ito kung friends kayo ng inaanak mo sa Facebook kasi manu-notify ka tungkol sa upcoming birthday nya. (kasi normal na lang ngayon na magkaroon ng FB account ang mga 6 months old na sanggol). Pero paano kung walang FB account si baby? Kailangan mo nang magsariling sikap. Makatutulong kung ililista mo sa iyong planner of digital calendar ang mga baby at ang mga bdays. Sa Google Calendar, pwede mong i-save ang very important dates at i-reremind ka ng app kung dumating na ang takdang araw. Bonus Tip: mag-set ng reminder a few days before ng actual birthday para may time ka pang bumili ng perfect gift para sa inaanak
2. Paghahanap ng regalo na akma sa edad ng inaanak. Minsan, sa sobrang dami ng mga ganap sa ating buhay, hindi na pumapasok sa isip nating kumustahin ang mga inaanak. Yan ang dahilan kung bakit may mga ninong at ninang na patuloy na nagreregalo kay Junjun ng manika kahit na teenager na siya. Maiiwasan mo ang ganitong mga pangyayari kung mag-aala-Santa Claus ka at gagawa ng listahan ng mga reregaluhan na mga inaanak. Mas mainam kung nakalagay sa listahan ang birthdate ng inaanak mo, ang mga nairagalo mo na noon, at kung ano ang kanyang mga hobbies and interests. Walang time para makipag-face-to-face? I-stalk na lang sila sa Facebook o i-chat sina kumare o kumpare.
3. Pagsisiguro na tama ang pangalan na nakalagay sa regalo. Mahihilig ng mga millenial mommies at daddies na gawing super unique ang pangalan ng kanilang mga babies (Takot magkaroon ng kapangalan ang anak nila pag kumuha ng NBI clearance?) Sa mga extreme names na tulad ng kay Adolph Blaine Charles David Earl Frederick Gerald Hubert Irvin John Kenneth Lloyd Martin Nero Oliver Paul Quincy Randolph Sherman Thomas Uncas Victor William Xerxes Yancy Zeus, pwede mong itry itong trick. Isulat lamang sa tag ang: “To my beloved inaanak, [Insert seasonal greeting]! Love, Ninong/Ninang.”
4. Pakikipagsiksikan sa ibang mga shopper para makabili ng regalo. Walang duda. Habang papalapit ng papalapit ang Pasko, padami ng padami rin ang makakasabayan mong mamimili ng gifts. Huwag mong gawin sa sarili mo yan. Do yourself a favor at January pa lang, mag-umpisa ka nang mamili ng mga regalo para sa December 2020. Oo, January. May mga department store kasi na nagki-clearance sale pagkatapos ng holidays. Dagdag pa riyan, mas konti na ang mga makakasabayan mo sa malls o mga tiangge. Less stress na, more savings pa. Ang aalalahanin mo na lang ay kung saan ito itatago para hindi makita ng mga bagets.
5. Ang paparaming bilang ng mga inaanak. Malas daw ang tumanggi na magninong o ninang. Kaya naman, para ka nang Pokemon Master na dumarami ang collection ng inaanak. Tandaan na hindi natatapos sa handaan after the binyag ang responsibilidad mo bilang ninong o ninang. Hindi rin isang networking tool ang pagnininong at ninang kaya try to steer clear sa mga wannabe na parents na maaari kang gamitin to climb up the social ladder, o bilang padrino sa trabaho. Hangga’t maaari ay maging mapanuri sa magiging kumare at kumpare mo upang maiwasan ang mga pagti-take advantage ng kahit sino. Sapagkat ikaw ay itinuturing na pangalawang magulang (gaya ng sabi ni Father noong pre-Christening seminar), kailangan mong maging mindful sa magiging desisyon mo. Ang pagnininong at pagnininang ay isang banal at mahalagang bagay na hindi dapat isinasawalang bahala.