Connect with us

Life Hacks

Paano linisin ang pinaka maduming kasulok-sulukang parte ng inyong kusina

Published

on

Ang kusina ay tinaguriang puso ng tahanan, dito tayo nagluluto ng ating kinakain kaya napakahalaga na malinis ang kusina. Pero, kahit araw-araw nagwawalis ng sahig, naghuhugas ng mga plato at nagpupunas ng mga countertops, may mga lugar pa rin sa kusina na hindi kadalasang nalilinisan.

Alamin kung anu-ano ang mga ito at kung paano ito linisin.

Moldy cabinets

Cabinet molds
Kung mayoon isang kabinet sa kusina na hindi nawawalan ng mga molds at mildew, ito ay ang kabinet sa ilalim ng lababo. Kadalasan din napapabayaan linisin ito sapagkat, dito nilalagay ang mga bagay na nais natin itago, tulad ng mga cleaning supplies o trash bin.

Para mabigyan ito ng well-deserved deep-clean, una, linisin at alisin ang kalat sa loob ng kabinet, pagkatapos kumuha ng isang antibacterial spray at punasan ang entire interior, kasama ang mga exposed pipes (kung mayroon). Ang mga spots naman na may mga molds o mildew, lagyan ito ng bleach o kaya white vinegar solution. At ang huli, siguraduhin na walang leaks ang sink para maiwasan ang pag-build up ng mga molds.

Mildewed racks and plates

racks and plates
Anong ayaw mo sa paligid ng iyong mga pinggan at lalagyanan ng mga ito? Mildew (Amag). Sa kasamaang palad, ang mga dish drying racks ay kadalasang nagkakaroon nito, yun nga lang, hindi ito maiwasan sapagkat lagi ito naka-expose sa mga drippings ng plato.

Kaya ang tanong, paano matatanggal ang mga ito? Gumamit ng scrub at imbes na bareta o bleach ang gamitin, gumawa na lamang ng white vinegar solution. Lubusang kuskusin ang dish racks at plato hanggang magmukha silang bago. At alam niyo ba na ang white vinegar ay nakakapag-tanggal din ng rust, kung saan karaniwang makikita sa mga dish drying racks.

Grubby edges

kitchen sink
Kapag ang pinag-uusapan natin ang paglilinis ng kitchen sink, ang unang palaging lumalabas sa ating isipan ay ang drain. Pero, ang isang part ng sink na hindi gaanong napapansin ay ang (edge) o ang pagitan ng lababo at countertop kung saan maraming gunk o yung mukhang slimy dirt na nakikita (in between tiles).

Para mawala ang mga ito, lagyan ito ng detergent at gumamit ng lumang toothbrush para makuskusan ang mga gilid ng sink.

Dust the tops of appliances and cabinets

dust cabinets

Kadalasan, winawalisan natin ang sahig ng ating kusina, pero paano ang mga ibabaw ng mga appliances tulad ng refrigerator at cabinets? Napupunuan din sila ng alikabok kapag hindi nalinis ng matagal na panahon.

Ang mabisang paraan pag lilinis ay mula sa itaas, papunta sa ibaba. Gumamit ng basang basahan o wet wipe, o kaya’y wet paper towel para mapunasan ang mga tops ng mga cabinets at appliances. Gumamit ng bagong wet paper towel o hugasan na lang ulit ang basahan kapag ito’y nadumihan.

Clean inside your fridge

Clean inside your fridge

Sa refrigerator natin nilalagay ang ating mga pagkain, kaya kailan natin itong linisin? Importante na malinisan ang refrigerator para masiguradong “clean and safe” din ang ating pagkain na naka lagay doon. Siguraduhin na mapunasan ang mga gilid ng refrigerator at tanggalin ang mga drawer nito at hugasan ito sa pamamagitan ng tubig at dish washing liquid.

Continue Reading