Connect with us

Life Hacks

Tips kung paano madaling mapatawad ang taong nagkasala sayo

Magpatawad ka. Hindi dahil sa deserve ng taong iyong ang kapatawaran mo, kundi dahil deserve mo ang magkaroon ng masaya at maalwang pamumuhay.

Published

on

KAPATAWARAN AT KALIGAYAHAN. Upang maging masaya, kailangang i-unburden mo muna ang iyong sarili, at magagawa mo lang ito kung iwawaksi mo na ang mga unnecessary issues sa buhay tulad ng paghu-hold on sa kasalanan ng ibang tao.

Alam nating lahat na mahirap talagang magpatawad ng mga taong nagkasala sa atin.  Oo, madali lang sabihin na i-let go na ng mga bad vibes, pero it is easier said than done, ika nga.   

Para mas ma-encourage kang patawarin ang iyong mga enemies, dapat sigurong malaman mo na ang pagtatanim ng sama ng loob sa kapwa ay may masamang epekto sa iyong kalusugan.

Sa isang pag-aaral na ginawa noong 2015,  napag-alaman na ang mga taong mapagpatawad ay mas masaya at magaan ang kalooban.

Sa nasabing research, pinag-aralan ang dalawang grupo ng participants.  Ang isang grupo ay pinag-recall ng isang karanasan sa kanilang buhay kung saan agad nilang pinatawad ang taong may matinding pagkakasala sa kanila.   Ang kabilang grupo naman ay pinag-alala ng parte ng buhay nila kung saan hindi nila pinatawad ang may matinding kasalanan sa kanila.  Pagkatapos ay pinatayo sila sa paanan ng isang burol kung saan pina-estimate sa kanila ang tayog nito.  Pinatalon din sila ng limang beses. 

Napag-alaman sa  pag-aaral na ang mga participants na matagal nag-move on ay nag-estimate na ang burol ay mas matarik ng 5 degrees kaysa sa agad na nagpatawad.  Mas mababa din ng 3 inches ang kanilang pagtalon.  Ipinapahiwatig nito na ang pagtatanim ng sama ng loob ay literal na nakakapag-bring down sa tao. 

Dagdag pa ni Dr. Xue Zheng, kapag hindi ka mag-let go ay mataas ang tsansa na hindi ka nito bibigyan ng kapanatagan ng loob.  LAagi mong iisipin ang kasalanan na iyon.  “This can deplete the availability of certain cognitive-boosting resources in your body—like blood sugar—that help you cope with physical challenges.

Kaya mga Ka-Todo, patawarin na natin ang ex na nagtaksil, o di kaya ang ka-trabaho na credit grabber. 

Kahit sino man yan, o gaano man katindi ang kanyang kasalanan, mas makakabuti sa iyo kung magpapatawad ka. 

Paano ‘kamo?  Gawin and REACH Model of Forgiveness:
  1. Recall the event as accurately – and objectively – as you can.  Minsan kasi, naaapektuhan ang mga desisyon mong magpatawad ng iyong mga feelings, o di kaya ng naunang pagkakakilala mo sa tao.  Halimbawa, may likas kang inis sa isang tao kahit wala pa siyang ginagawa sa iyo.  Kapag nakagawa siya ng kasalanan, kahit maliit, magiging mahirap na para sa iyo na patawarin ang taong ito.  Kung aalalahanin mo ang mga nangyari, lalo na kung mahabang panahon na ang lumipas, mare-realize mo na hindi naman na pala  ganoon kasakit ang ginawa nya sayo, o mapagtatanto mo na hindi naman pala kasing grabe ang naging kasalanan niya in the first place.
  2. Empathize with the person who did you wrong by looking at what happened through his or her eyes.  Subukan mong ilagay ang sarili mo sa kanyang sitwasyon.    Isipin mo na hayop siya. Isa syang kuting na natatakot na masaktan kaya tuwing nati-threaten siya, nangangalmot siya. Survival instincts, kumbaga. Ganyan din ang taong iyon. Isipin mo na lang na baka may malalim at valid siyang rason kung bakit nya nagawa ang kasalanan.  Kapag naintindihan mo ang tao, mas madali para sayo na maging mapagpatawad.
  3. Remember that forgiveness is an altruistic gift.  Alalahanin mo ang mga panahong ikaw ang nagkasala sa ibang tao at pinatawad ka. Ang pagpapatawad ng taong iyon ay isang regalo na nagpagaan ng loob mo. Ipasa mo ngayon ang regalo na iyon sa ibang tao sapagkat ikaw ay isang mabuti at mapagbigay na tao.
  4. Commitment is crucial.  Huwag nang mag-overthink.  Once na mapagdesisyunan mo nang patawarin ang tao, mag-set na agad ng pagkikita upang hindi ka na ma-stress pa. kung hindi mo kayang mag-face-to-face, maaari kang magsulat ng liham para sa taong iyon. Kung ibibigay mo ang sulat o hindi, bahala ka na.
  5. Hold on to that forgiveness.   Magkakaroon ng  pagkakataon na maaalala mo ulit ang kasalanan ng taong iyon. Manunumbalik ang galit sa iyong puso.  Kapag nangyari iyon, paalalahanan ang sarili na piniili mo nang maging the better person. Isipin mo ang mga magagandang nangyari sa buhay mo simula nang inilayo mo ang sarili sa mga bad vibes at toxic na emosyon.

   Laging tandaan na ang pagtanggi na magpatawad ay maihahalintulad sa pagkakatali ng isang barko sa angkla.  Kung gusto ng barko na makapaglayag sa malayong lugar, kailangang putulin muna ang tali na naka-konekta sa agkla. 

Kung gusto mong makapaglayag sa malayong lugar, putulin mo na ang naka-angkla sa iyo. Litrato mula sa www.megahowto.com

Ganoon ka rin.  Kung gusto mong magkaroon ng kaginhawaan at kaunlaran sa buhay, kailangang putulin mo muna ang tali na nagpapabigat sa iyo.  Kailangang i-unburden mo muna ang sarili, at magagawa mo lang ito kung iwawaksi mo na ang mga unnecessary issues sa buhay tulad ng paghu-hold on sa kasalanan na baka nga nakalimutan na nya. 

Magpatawad ka.  Hindi dahil sa deserve ng taong iyong ang kapatawaran mo, kundi dahil deserve mo ang magkaroon ng masaya at maalwang pamumuhay. 

Source: squarespace.com