Connect with us

Lifestyles & Hobbies

₱15,000 – ₱300,000 halaga ng mga Halaman! Baka meron ka sa bakuran mo!

Published

on

Napaka-ganda at kaakit-akit sa mga mata ang mga halaman. Napag-aralan rin at napatunayan na nakakatulong makabawas ng stress ang pag-aalaga ng mga ito. Dahil sa pandemiya marami sa ating mga Pinoy ang naging mga “plantito” at “plantita”. Sa iba naman, ito’y naging pagkakataon para sila ay umunlad at mapagkunan ng pagkakakitaan.

Nakakalula at nakakagulat na may mga halamang nagkakahalaga na mula ₱15,000 – ₱300,000, basahin! Baka ang ilan sa mga ito ay nasa inyong bakuran lamang.

Monstera Adansonii Variegated
Estimated at ₱100, 000 to ₱300, 000

Monstera_adansoni_variegated

Karaniwang tinatawag na Swiss Cheese dahil sa mga butas ng kanilang dahon at ang isa pang kagandahan nito ay ang kanyang puti at dilaw na kulay. Bilang isang monstera plant, ito’y nababagay sa silid at tandaan huwag mo itong sobrahan sa tubig para manatiling malusog.

Alocasia Azlanii
Price ranges from ₱2000 to ₱15,000

alocasio azlani

Hindi malaking gulat kung bakit mahal ang presyo ng halaman na ito. Makikita agad sa kanyang kakaibang kulay na pink at purple na parang mayroong kang living art sa bahay mo. Kung ikaw meron nito, napaka-swerte mo talaga.

Philodendron Lisa
₱15,000

Philodendron Lisa

Isa rin sa mga halamang mahirap mahanap. Oras na para sa isang trivia ulit! Alam niyo ba na ang Philodendron Lisa ay nagsisimula sa kulay na maroon at habang ito lumalaki nagiging itong purple/green, almost black color? Nakakamangaha diba? Siguraduhin mo lamang na huwag mo ito ilagay sa mga lugar na under the sun to avoid the browning of leaves.

Caramel Marble Philodendron
Price Starts: ₱80,000

caramel marble Philodendron

Photo by Janine Russell

Ang caramel marble ay kinokonsiderang pinaka hinahanap na Philodendron plant sa buong mundo! Wow, totoo naman, sapagkat napaka ganda talaga ng mga dahon nito. Ang mga kulay nito ay nag-nag-iiba from orange and red, to pink at green. Ang mga dahon ng caramel marble ay lumalaki hanggang 10 – 14 inches (width) at 2 feet (length). Nabubuhay ang halaman na ito sa mamasa-masang lupa at sa mga lugar na may sapat na liwanag.

Variegated Alocasia (Macrorrhiza Variegata)
Starts at ₱20,000

Variegated Alocasia (Macrorrhiza Variegata)

elephant-ear-Jinkee-Pacquiao

Ang variegated alocasia ay kilala bilang elephant ear plants dahil tumutubo ito ng sobrang laki na parang hugis ng tenga ng elepante. Lalo pa itong sumikat dahil sa isang post ni Jinkee Pacquiao sa kanyang Instagram ang kanyang higanteng variegated alocasia. Ito’y maganda mapa indoor o patio plant at nagbibigay na tropical na pakiramdam kung saan mo ito ilagay.