Lifestyles & Hobbies
10 simpleng home decorations na makakatulong maging mas relaxing ang iyong tahanan
Hindi tayo halos makalabas ng ating mga tahanan dahil sa pandemiya. Kung dati nasasabik tayong umuwi na para makapagpahinga, ngayon dahil sa work from home at online classes, naiipon na ang ating mga stress at sakit sa ulo sa loob ng bahay. Kaya napaka-importanteng isaayos ang ating tahanan para manatili itong ating haven. Ito ang mga simpleng bagay na pwedeng gawin at ilagay bilang home decorations para magkaroon ng relaxing experience sa inyong tahanan.
Soft lighting
Sumasakit ba ang iyong mga mata dahil sa sobrang liwanag ng iyong silid? Kailangan mo ng bagong lighting sa iyong tahanan. Ang lighting sa isang tahanan ay napakahalaga para maabot mo ang relaxation na hanap mo. Ang pagkakaroon ng soft ambient lights, tamang shade, kurtina at pagpasok ng natural light ay nakakatulong at nakaka-improve ng inyong mental state.
Water features
Nakapunta ka na ba sa mga spas? Paniguradong mayroong mga elemento ng tubig na makikita at stream nito na maririnig. Ito’y dahil ang tunog at ang presensya ng tubig ay napaka relaxing at dinadala ka nito sa isang meditative state at ito rin ang dahilan kung bakit mahilig tayong tumitig sa dagat. Pwede mo itong mareplicate sa loob ng iyong tahanan sa pamamagitan ng tabletop fountain o iba pang klaseng bagay na may elemento ng tubig. Karamihan nito ay gawa sa bato para mas maging natural ang ambiance.
Utilize Natural Textures
Natural na sa atin ang maakit sa kagandahan ng kalikasan. Habang ang mga houseplants ay hindi para sa lahat, ang mga kagamitan na gawa sa mga natural na materyales ay parehong nag bibigay ng kapayapaan at kagandahan sa loob ng iyong tahanan. Mga halimbwa nito ang mga obra na gawa sa kahoy, mga paintings at iba pa.
Mga Halaman at Bulaklak
Hindi mawawala sa ating listahan ang mga halaman at bulaklak na ngayo’y “in na in” sa gitna ng pandemiya. Ang mga hanging plants ay napaka aya-ayang tingnan. Ang mga sariwang bulaklak naman ay nakakatulong mawala ang iyong mga “worries” at nagbibigay ng positive energy. Napatunayan na rin na naka-papawi ng stress ang pag-aalaga ng mga halaman.
Mga Libro at Magazines
Oras na para sa isang trivia, alam niyo ba na ang mga libro ay nagpapahiwatig ng pagiging mapayapa, kalmado at “to take things slowly.” Ang mga magazines naman ay kadalasan mabilis makonsumo at tinatabi sa mga reading corners. Kapag pinagsama mo sa isang shelf ang libro at magazine, nagpapa-alala ito na huminto ka muna, huminga ng malalim at magpasalamat sa maliliit na bagay sa ating buhay.
Crystals
Ang kanilang makukulay, kakaiba at ibat-ibang hugis ay tunay naman talagang agaw pansin. Kung gusto maiba, subukan mo ang pag-gamit ng selenite, amethyst or celestite. Ang selenite ay sinasabing nakapagbibigay ng “healing vibe” at nakakapag- purify pa ng iyong kapaligiran, samantala ang amethyst at celestite ay nakakatulong upang ika’y makarelax at makatulog ng mahimbing.
Diffusers
Gawin mong next level ang atmosphere ng iyong tahanan gamit ang isang diffuser. Ginagawa nitong kaiga-igaya ang amoy sa loob ng iyong tahanan o nang inyong silid dahil sa mga essential oils na inilalagay dito.
Kapag gumamit ka ng diffuser, mapapakanta ka talaga ng Memories by Maroon 5 sapagkat ang halimuyak na binubuga nito ay nakakapag trigger ng nostalgia. Lalo na yung scent ng lemongrass at eucalyptus na nakakapag-kalma pa ng ating isipan. Kung bawas stress ang hanap mo, subukan mo yung scent na lavender at peppermint.
Scented Candles
Mahal ang diffuser? Pwede ka rin mag scented candles na lang. Alam niyo ba na ang mga scented candles ay nakakapagdulot din ng masaya at relax na pakiramdam sayo, ganundin nagbibigay ito ng mabangong amoy sa buong silid. Ang halimuyak ng lavender, caramel at vanilla ay nakakatulong maging maaliwalas ang iyong pakiramdam. Kahit hindi ito sindihan nagbibigay pa rin ito ng kaaya ayang ambiance sa iyong silid.
Fruit bowls
Punta naman tayo sa kusina, tayong nga Pinoy mahilig sa mga prutas, sakto, hindi lang ito makakabuti sa ating katawan kundi pati na rin sa inyong kusina. Paglalagay ng mga sariwang prutas sa iyong kitchen counter ay nagbibigay ng positive vibe habang ikaw ay nangungusina. Pinapanatili rin nito ang presko at maaliwalas na pakiramdam sa buong kusina.
Rugs
Ang ating mga paa ang isa sa parte ng ating katawan na madalas mapagod o naii-stress. Maliban sa foot-spa na may kamahalan na din sa ngayon, ang pagkakaroon ng malambot na rug sa loob ng bahay ay nakatutulong para sa iyong pagod at ngalay na mga paa.
Ito’y mas magbibigay sayo ng restful headspace kaysa naglalakad ka sa matigas na floor tiles.