Connect with us

Lifestyles & Hobbies

9 DIY (Do it Yourself) Crafts na pwedeng ibenta online

Published

on

Pag sagot sa mga Zoom calls, at panonood sa Netflix, kain. tulog, kadalasan dito umiikot ang ating buong mag hapon. Para maiba ang routine, isingit natin ang ating mga nakahiligang gawain tulad ng sewing, gardening, drawing, etc. na pwedeng ma-ibenta online.

At alam niyo ba? Ang iyong libangan pwede mong pagkitaaan! Plus at kung nabuburyong kana, meron din namang mga bagong libangan sa loob ng bahay na pwedeng masubukan. Bakit hindi subukin gumawa ng mga “do it your own crafts” na patok pambenta online. Nalibang kana, pwede ka pang kumita. Siguraduhin lamang na mag- research at pag-aralan ito ng mabuti bago gawin.

Tie-dye Old T-shirts

tie dye shirtMarami ka ba diyang mga hindi ginagamit na damit? O kaya’y mga puting damit na mukhang hindi na puti dahil sa kalumaan? Kung meron, kaya mo pa itong buhayin at mabenta online!
Maging creative sa pamamagitan ng makukulay na dyes sa inyong mga lumang damit.

Siguraduhin na may gloves, apron at towel ka bago ito gawin para hindi kumalat ang dye sa iyong suot na damit.
Maraming online platforms ang pwede mong piliin para mabenta ang mga nagawa mong tie-dye shirts. Ang karaniwang ginagamit na online platforms ay, etsy, shoppee, lazada, at pwede rin ang facebook market place.

Hair Accessories

hair tie

Ang paboritong accesories sa buhok ng bawat isa mula ’80s at ’90s ay super trending na ngayon! Kapag mahilig kang mag art and crafts at mag-gunting gunting diyan, pwede ka gumawa ng mga hair accesories tulad ng mga scrunchies at headbands.

Walang limitasyon ang mga designs na pwede mong gawin. Posible din na gumawa ng mga customize na scrunchies o headbands depende sa disenyo na nais ng inyong customer. Maari din itong pang personal na gamit o ipang regalo. Ang Etsy at Facebook ay magandang market place kung may planong mag simula ng negosyo.

Planters

planters Alam natin na in na in ngayong panahon ang pag-aalaga at pag kokolekta ng mga halaman. Kaya naman, samantalahin
mo ang trend at gumawa ng sarili mong mga planters o plant pot kung tawagin at ibenta ang mga ito.

Pwede rin, kung ikaw mismo ay isang plantita at plantito, gumawa ka for your own personal use para makatipid. Ang daming recyclable na materyales na kayang gawing planters, gulong ng sasakyan, plastic bottles, mga lata, pwede rin kung kaya, gawa sa cemento. Nakadepende na lang iyon sayo kung ano makikita mo. Make your imagination run wild!

Jewelry Accessories (bracelets, earrings, necklaces)

diy jewelryBeads, buttons sequences, glitters, at iba pa! Kung bet mong gamitin ang mga ito, bakit hindi subukang gumawa ng mga accessories gaya ng bracelets, earrings at necklaces pati na rin lanyards. Lagyan mo itong ng mga cute na designs at ibenta mo online. May mga online platforms kang makikita at pwede mo doon ibenta ang iyong mga gawa, o kaya’y gawa ka ng sarili mong website.

Scented Candles

scented candlesSa nakaraang kong nasulat na article, nalaman natin na ang mga scented candles ay nakakatulong pala para maging mas relaxing ang pakiramdam mo habang ika’y nasa loob ng iyong tahanan. Kung gusto mabawasan ang iyong stress, hindi mo na kailangan gumastos pa more, dahil pwede naman pala ikaw mismo gumawa ng sarili mong scented candles. Meron kang pang kalayaan sa kung anong fragrance o scent ang nais mong ilagay. Hindi lamang yon, maaari mo din mapagkakitaan at nakatulong ka pa sa iba na mag karoon ng mas relaxing na pakiramdam sa loob ng kanilang tahanan.

Resin Crafts

resin crafts

Nagagandahan ba kayo sa mga resin crafts? Kasi, kahit ako nagagandahan (share ko lang). Oras na ulit para sa isang trivia! Alam mo ba na ang mga halaman ay nag se-secrete ng resin para maprotektahan ang kanilang sarili laban sa mga injury? (astig)

Ang resin ay isang solid o highly viscous substance ng halaman o synthetic origin ito. Ang kagandahan sa resin ay versatile ito na substance at pwede siyang magamit sa maraming pamamaraan! Arts and crafts tulad ng mga jewelries at keychains, flooring, countertops, at marami pang iba! The sky is the limit!

Printed Soft pillows

soft pillowsHirap ka bang matulog? Baka kailangan mo na ng bagong unan. Pero hindi mo na kailangan bumili ng bago, sapagkat pwede kang gumawa para sa iyong sarili! Kapag may talento ka sa pagtatahi o kayo ay may sewing machine, maari kayong magsimula ng sarili niyong soft pillow business. Gumawa ng mga unan na may iba’t ibang disenyo para maakit ang inyong mga customers. Dahil wala ng sasarap pa na mahiga sa malambot mong unan pagkatapos ng isang buong araw na pag-tatrabaho.

Graphic design

graphic designTinatawagan ko ng pansin ang lahat ng marunong at mahilig magdrawing o mag-digital art diyan! Pwede mo pagkakitaan ang iyong creativity. Kung ikaw man ay isang art director, illustrator or 3D artist, mayroong at mataas na bentahe para sa mga high-quality designs. at maraming paraan kung paano ito makikita at maibebenta sa publiko.

Creative market, art web, design cuts, at maraming pang ibang mga online na platforms ang pwede mong gamitin para mabenta mo ang iyong mga graphic designs.

Bags

bagsGumawa ng customize bags! Tote bags, purses, belt bag at marami pang iba. Malaking tulong pa sa ating kalikasan na gumagamit tayo ng tote bags para lalagyan ng ating mga groceries sa palengke kaysa sa mga plastik. Pwede mo pang lagyan ng kahit anong disenyo para nakaka-akit sa mga mata. Etsy pa rin ang isa sa pinaka-magandang online platform para makabenta ng mga handicrafts, pero maari kang magsimula sa facebook market place rin.

Continue Reading