Lifestyles & Hobbies
Ano itong “Lyka” o “Lyka Gems” na sumisikat ngayon at pwedeng pagkakitaan
Ang Lyka ay isang digital community/social media platform na kung saan ang mga user ay pwedeng i-share ang kanilang mga interest sa pamamagitan ng pag-post ng mga pictures o mga video nito. Ang mga users ay bibigyan ng mga GEMS o Gift card in Electronic Mode pag sila ay nag upload sa platform ng Lyka, bibigyan rin ng GEMS ang sino man nag engage sa post na iyon.
Paano ito ginagamit
Ang pag post ng photo sa app ay katumbas ng 0.05 GEMS. Ganun din pag may iba pang mga user ang nag Max Rate (MR o katulad ng pag-like) sa post na iyon, bibigyan ka rin ng 0.5 na GEMS. Pag ikaw naman ang nag MR sa photo ng iba ay katumbas ito ng 0.02 GEMS. Ang 1 GEM ay katumbas ng 1 PESO.
Sa iyong unang sign up naman, makakatangap ka agad ng 5 GEMS bilang simula. Bukod pa doon, pwede ka rin mag bigay ng GEMS sa iba pang mga users. Bibigyan ka naman ng 15,000 na GEMS pag na verified ang iyong account ng Lyka.
Sino ang gumagamit nito
May libo-libo ng mga Pilipino ang gumagamit ng Lyka. Karamihan rito ay mga artista tulad ni Ivana Alawi, na ginagamit ang platform para mas mapalaganap pa ang kanilang fanbase.
Saan mo ito pwedeng gamitin
Ang 1 Gem ay katumbas ng 1 piso, pag ika’y kumita na ng malaki ay pwede itong gamiting pambayad sa mga partner shop nito tulad ng Mango, Plains and Prints, Guess, New Balance, Happy Skin, BLK Cosmestics, etc.
Pwede rin gamiting pambayad sa mga restaurants ng Ramen Nagi, Brotzeit, Barcino, Senor Pollo, Saboten, Sushi Nori, Tai Koo Roast, Tap Station, Tipsy Pig, Tokyo Milk Cheese Factory, Wild Flour, Cold Stone Creamery, BLK513, FRNK, Kanto Freestyle Breakfast, Uncle Moe’s, Persia Grill, Samgyup MNL, at Tim Hortons, at iba pang business partners nito.
Sa ngayon, hindi pa pwedeng mag-withdraw ng Lyka Gems para sa cash, o i-convert ang iyong pera para maging Lyka Gems. Pero pag naghahanap ka ng maliit na pagkakakitaan para sa iyong “pass time” sulit ang Lyka na App.
Tandaan lamang, na bagong App lang ito at mayroong paring mga bugs at glitches na patuloy ini-improve at ina-ayos ng LYKA.