Lifestyles & Hobbies
Mag-skill up na! Sa pamamagitan ng Google Digital Garage, libre pa!
Ngayong panahon, dahil huminto ang normal na takbo ng mundo dahil sa pandemya, mas naging laganap at nakatutok ang karamihan sa digital world. Maraming trabaho at oppurtunidad ang nakikita online, nararapat lang na tayo’y sumunod at sumabay din sa pamamagitan ng pag-equip natin sa ating sarili ng mga digital skills.
Ngunit, saan natin ito pwede matutunan? Ang daming mga websites nakikita sa internet, mapapagod ka lang kahahanap at mga iba, may bayad pa. Mabuti naman at may Google Digital Garage. Sa tulong nito, marami kang makikitang mga kursong makakapagturo at makatutulong sa iyong career at para na rin, sa sarili mong skill ups. Ang kagandahan pa, libre lang ang mga ito! Alamin ang ilan lamang sa mga libreng kursong pwedeng mapag-aralan sa Google Digital Garage. Gamitin sa wasto ang oras na binigay sa atin.
Business Writing
Ang pagsusulat ay isa sa mga pinakamahalagang kakayahan na kayang i-develop para maging matagumpay sa business world, at pati na rin sa mga iba’t ibang propesyon, ngunit ito ay kadalasang hindi nabibigyan ng pag-papahalaga.
Alam niyo po ba na mahigit 70 na kompanya at 20,000 na mga estudyante- mula professional writers hanggang sa mga new employees kahit non-native English speakers pati na rin mga seasoned executives, ay gumagamit nang business writing techniques para epektibong masabi o mailahad ang kanilang mga ideya at para din sa mabisang pakikipag usap.
Matuto kung paano magsulat at kung anu-ano ang mga techniques ng business writing. Maging isang pro sa pagsusulat ng content. Tinuturo din dito kung paano i-apply ang 10 prinsipyo ng propesyonal na pagsulat sa iyong trabaho.
Fundamentals of Digital Marketing
Isang beginner-friendly course accredited ng Interactive Advertising Bureau Europe at ng Open University. At hindi lang yan, kapag natapos mo ang kursong ito, mabibigyan ka ng certification upon completion of Google Digital Garage’s top curriculum, Fundamentals of Digital Marketing. Kumpletuhin lamang ang 26 na modules na ginawa mismo ng mga Google trainers at siguradong marami kang matutunan!
Fundamentals of Graphic Design
Napapansin niyo po ba? Pinapaligiran tayo ng mga Graphic Designs! Mga larawan at salita- sila ang building blocks ng graphic design. Ito rin ang bumubuhay sa mga content sa digital at printed world (ganun ito kahalaga). Kaya sa mga mahilig gumawa ng mga designs, subukan ang kursong ito na siguradong makakatulong sayo! Pag-aralan ang mga fundamental principles of design, kabilang ang typography, composition, colour coordination at iba pa.
Python Basics
Upang talagang mapalawak ang iyong digital skill set at makasabay sa bilis ng takbo sa mundo, kailangang matuto tayo ng programming. Kung may alam na kayo kaagad o interesado ka sa programming ngunit hindi mo alam kung saan mag-sisimula, (it’s a good investment) na pag-aralan ang python, isang high-level programming language. Sa kursong ito, matutunan ang basics ng python, specifically ang python 3. Mapag-aaralan mo ang foundation ng subject na ito.
Content, Advertising & Social IMC
Want your content to go viral? Sinong hindi! Kailangang pag-isipan ng mabuti kung paano magiging stand-out ang iyong content lalo na sa ating mundong oversaturated na ng impormasyon. Malaking tulong ito sa mga nagsusulat ng mga blogs o isang content writer. Ang Northwestern University curriculum ang isa sa magtuturo sayo kung paano ang mga expert marketers na nag-nanavigate sa kasalukuyang media landscape. Hindi lang yun, malalaman mo rin ang sikreto kung paano mag-advertise gamit ang Facebook at iba pang social media sites.
Get a business online
Alam natin ngayon na booming ang e-commerce o ang pagkakaroon ng business online. Pero sa mga wala pang ideya kung paano magsimula, magandang kunin ang libreng kursong ito. Dito matutuklasan mo kung ano ang kinakailangan upang makapagsimula at magpatakbo ng isang matagumpay na negosyo online. Malalaman mo rin kung paano gumawa ng digital presence, gumamit ng e-commerce, mapansin ang iyong content locally at kung paano maging ligtas sa mga hackers.