Connect with us

Lifestyles & Hobbies

MGA BAGAY NA HINDI DAPAT SABIHIN SA INYONG MGA ASAWA, ALAMIN!

Published

on

Photo Courtesy| Unsplash

Hindi lahat ng bagay ay dapat sinasabi sa asawa.

Ayon sa mga eksperto, dapat ay mayroon paring itinatago ang mga babae o ang lalake sa kani-kanilang mga partner.

Minsan dahil sa bugso ng damdamin, nanakapagsalita tayo sa ating mga asawa na kalaunan ay pinagsisihan din natin.

Pero alam niyo ba ang mga salitang iyon ay maaring magdulot na panganib sa isang relasyon na maaaring mauwi sa matinding lamat.

Ilan sa mga kadalasang naririnig kabay nag-aaway ang mag-asawa ay ang paghahamon ng hiwalayan o paghihiwalay.

Ayon kay Tracey Steinberg, isang dateologist, ang mga bagay na ito ay hindi dapat sabihin dahil maari mo itong pagsisihan baling araw.

Kung magkaroon na aniya ng lamat ang isang marriage ay mahirap na itong balikan.

Huwag maging kritiko ng iyong asawa at huwag siyang tawaging ‘stupid’.

Hindi aniya ito isang ‘curse word’, sa halip ay nakakasakit ito.

Sa buhay mag-asawa kasi, ang iyong partner ay umaasang ikaw ang kanyang ‘cheerleader’ at hindi ang kanyang ‘biggest critic’.

Ang tinaguriang ‘unsupported phrases’ ay nakakapagpababa ng self-esteem ng iyong partner.

Kapag nasa isang relasyon, hindi mo kailangang magdemand ng respeto, dahil ibinibigay ito unconditionally.

Minsan kasi ay hindi maiwasan na tayo ay nagiging mapagmataas na pati career ng ating mga partner ay nagagawang laitin.

Dagdag pa ng mga eksperto, mas mataas man o mas mababa ang narating ng iyong asawa o partner, ay nararapat na sila ay suportahan at hindi dapat maliitin para sa maayos at masayang pagsasama.