Connect with us

Lifestyles & Hobbies

MGA PERSONALITY DISORDER NA NAKAKASIRA NG RELASYON, ALAMIN

Published

on

Photo Courtesy| Unsplash

May kasintahan ka ba na kung tupakin ay akala mo ay araw-araw dinadatnan o kaya naman parang bipolar na hindi mo maintindihan kung bakit ang gulo-gulo mag-isip.

Alam mo ba na ayon sa mga pag-aaral ay may mga personality disorder na nakakasira ng isang relasyon.

Ayon kay Dr. Bernadeth Manalo Arcena ng St. Lukes Medical Center, kadalasang nagiging sanhi ng pakikipag-hiwalay ng mga magkasintahan ang mga personality disorder na hindi agad nakikita ng magpartner.

Ilan sa mga ito ay Narcissistic Personality Disorder o NPD.

Ito ang ugali ng tao kung saan personal achievement ang nangingibabaw at hindi napapansin na nababalewala o nasasaktan na niya ang kanyang kasintahan maabot lang ang kanyang mga pangarap.

Meron ding tinatawag na Substance Abuse Disorder kung saan nagiging problema sa relasyon ang pagkahilig ng partner sa alak at droga.

Sexual Compulsion Disorder kung saan naghahanap ang isang tao ng gratification sa kanyang sexual desire kaya hindi siya nakukuntento sa iisang partner lang.

Mayroon din na Obsessive Compulsive Disorder o OCD, ito naman yung mga taong perfectionist at Borderline Personality Disorder o BPD, ito naman ang disorder na karaniwan sa mga babae.

Sobra-sobra ka niyang mamahalin pero kung niloko mo siya ay labis-labis din ang kanyang paghiganti.

Paliwanag ni Dr. Arcena hindi naman dapat mawalan ng pag-asa ang mga taong may personality disorder dahil maaari naman itong maayos sa pamamagitan ng mahinahong pag-uusap o kaya kung hindi na talaga maaayos ng magkasintahan mas mabuti umanong komunsulta nalang sa isangn expert.