National News
₱15 bilyong halaga para sa paggawa ng mga learning modules sa 2022, pinuna ng senador
Napansin at nalungkot si Sen. Joel Villanueva sa hinihiling na halos ₱15.1 bilyong halaga ng paggawa ng mga learning modules para sa pampublikong paaralan ng Department of Education (DepEd).
“To compare, the budget for new classrooms is about ₱2.92 billion. For new chairs and desks, about ₱1.1 billion,” binanggit ng senador ayon sa ulat ng Manila Bulletin.
Ito ang isa sa mga “biggest items” sa P629.8-bilyong obligation budget ng ahensiya sa ilalim ng National Expenditure Program (NEP) na kamakailan, isinumite nila sa Kongresso, puna ni Villanueva, vice chairman ng Senate basic education committee.
“Even the construction budget DepEd is asking for next year –₱7.9 billion – is half of the proposed outlay for what has become known as self-learning modules (SLM),” dagdag niya.
Inilarawan ni Villanueva ang propasal bilang “sariling sikap” habang binibigyan niya ng diin ang kabiguan ng gobyerno sa pag-invest sa mga digital infrastructure na makakatulong sana sa blended learning program ng DepEd sa gitna ng pandemiya.
“[It is] the penalty we are paying for our poor digital infrastructure which has made remote learning an ordeal for teachers, learners, and parents,” aniya.
Dagdag niya pa na ang ₱15.billion ay, “the price we have to pay for failing to rein in the pandemic, which, in turn, has prevented the resumption of face-to-face classes.”
“But all of this pales in comparison to the damage done to millions of learners in terms of knowledge forfeited, which education experts describe as the so-called ‘COVID slide,’ a national tragedy so great that it is impossible to quantify,” pahayag ni Villanueva.
Noong nakaraan, na-obserbahan ng United Nations Children’s Fund (UNICEF) na sa mga bansa sa Asia-Pacific region, ang Pilipinas ang may pinakamahabang closure ng mga paaralan mula nang magsimula ang pandemiya.
Nagbabala sila na ang matagal na pagsasara ng mga paaralan at “loss of learning” ay maaring magdulot ng long-term effect sa mga kabataan.
Make sure errors are prevented
Hinimok rin ni Villanueva ang DepEd na tiyakin na maiiwasan ang mga pagkakamali sa paggawa ng mga self-learning modules.
Sa ilalim ng special provisions sa budget ng DepEd dapat ang “Error Watch initiative” ng ahensiya “shall proactively review learning modules and rectify, withdraw or replace those which contain errors.”
Nakaranas ng mga criticisms ang DepEd noon dahil sa mga isyus ng kanilang mga modules, mula sa mga maling spelling at grammatical errors, diskriminasyon hanggang sa mga factual errors.
Nabanggit rin ng senador na noong nakaraang school year, dahil sa pag-supply ng mga printed materials para sa 22.75 milyong pamplublikong estudyante, naging “de facto biggest publishing house,” sa bansa ang DepEd.
(by Vanne Elaine Terrazola, Manila Bulletin)