National News
₱2.5B FUEL SUBSIDY SA MGA DRAYBER, DAPAT IBIGAY NA – REP. GARIN
Umapela si Fuel Crisis Ad hoc Committee head at AAMBIS-OWA Rep. Sharon Garin ng agarang pagbibigay ng ayuda sa mga drayber na apektado ng oil price hike.
Giit ni Garin, may ₱2.5 bilyon allotted fund na ang gobyerno dito para sa taong 2022 kaya dapat na mabilis na itong maipamahagi.
“Kay samtang nagapalibog kita sang mechanics kung ano ang obrahon, ang problema sang drivers ya, gadugay nga gadugay kag nagalala nga nagalala mo, so ako ya, siling ko 2.5B let’s do it as fast as possible,” saad ng kongresista sa panayam ng Radyo Todo.
Pero ayon sa mambabatas, ang makakabenepisyo lang sa P2.5B subsidy ng gobyerno ay ang mga drayber na registered sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Kaya nananawagan rin sila sa pangulo na magdeklara ng state of economic emergency para magamit ng mga local government units ang calamity fund at mabigyan din ng ayuda ang mga traysikel at habal-habal drivers, magsasaka at pati ang mga mangingisda.
Sa panig naman ng DBM, sinabi ni Budget Officer in Charge Tina Rose Marie L. Canda nitong Miyerkoles sa Laging Handa briefing na hinahanda na nila ang mga dokumento habang naghihintay ng joint memorandum circular sa Department of Transportation (DOTr) at Department of Energy (DOE) kaugnay sa guidelines ng fuel subsidy program sa ilalim ng 2022 national budget.