Education
₱37 bilyon budget para sa laptop at data connectivity ng mga guro – DepEd


Kailangan ng ₱37 bilyon ng Department of Education (DepEd) upang mabigyan ang lahat ng mga guro ng laptop, at data connectivity, habang patuloy nag-iimplement ng remote learning ang bansa sa gitna ng pandemiya.
Ang laptop at data connectivity ang dalawang gamit na higit na kailangan pagdating sa distance learning lalo na sa blended learning, subalit, karamihan sa mga estudyante at mga guro sa Pilipinas ay wala nito.
Sa naganap na hearing ng House Committee on Appropriations, sinabi ni Education Undersecretary Alain Pascua sa mga lawmakers, ang ₱33 bilyon ay para sa pagbili ng mga laptop, at ₱4 bilyon naman para sa isang taon na data connectivity.
“We know the direction, we know where to go… but always at the end of the day, it’s always the amount of funds needed for these programs [that] are obviously lacking at this time,” aniya batay sa ulat ng CNN Philippines.
97% of Teachers Covered
Sa kasalukuyan, may mga laptop na naipamahagi na, pinapamahagi pa lamang, at mga bibilihan pa. Sa kabuuan, ayon kay Pascua na 97% ng mga guro sa bansa ay masasakop nito.
Sa ilalim ng 2019 budget, 211,000 ng mga laptop ang naibigay na, habang 36,676 ng mga laptop na binili noong isang taon, ay kasalukuyang pinapamahagi, at ngayong taon, may binibili pang karagdagang 65,983.
Dagdag pa niya, na may 40,000 ng mga laptop ang binili sa pamamagitan ng Bayanihan 2, at ipapamahagi rin ito.
Ngunit, binigyang diin ni Pascua, na ang probisyon ng mga devices ay isang aspeto lamang ng programa. Ang isa pang isyu na kailangan tutukan, ay ang connectivity, kung saan ito ang tungkulin ng Department of Information and Communications Technology (DICT).
Sabi niya, responsibilidad ng DICT ang pagsasagawa ng mga data infrastructures at internet connectivity sa Pilipinas.
(Source: CNN Philippines)