Connect with us

National News

₱5,000 monthly special risk allowance, matatanggap na ng halos 300,000 medical workers — DBM

Published

on

Photo: DOH/FB

IBIBIGAY na ang P9.02 bilyong special risk allowance sa mga health workers ayon sa Department of Budget and Management (DBM).

Tiniyak mismo ni DBM Assistant Secretary Kim Robert de Leon na nailabas na ang nasabing halaga ng special risk allowance.

Pahayag pa ng ahensiya, mabibigyan ang halos 300,000 medical workers sa buong bansa.

Makakatanggap ng hanggang P5,000 monthly allowance sa pribado at pampublikong ospital ang mga nag-aalaga ng mga pasyenteng may COVID-19.

Ang nasabing monthly allowance ay mula Disyembre 2020 hanggang Hunyo 30.

“They (DOH staff) are starting to process na beginning Friday para masiguro na mga gamit ito definitely by June 30,” saad ni De Leon.

“Maaasahan ng health workers na maire-release ng DOH ang SRA hanggang June 30, 2021,” dagdag pa ng opisyal.

Mababatid na una nang pinalawig ni Pangulong Rodrigo Duterte ang SRA sa bisa ng Administrative Order no. 42.