Connect with us

National News

🚨SCANDALOUS ESCAPADES!😱 Ang marangyang pamumuhay ni Jad Dera sa likod ng mga rehas🍾💰, Nabunyag!

Published

on

Ang marangyang pamumuhay ni Jad Dera sa likod ng mga rehas

Ang High-profile na Bilanggo, Enjoyed Buffet Dinners at Road Trips, mga Senador nagulat!

Sa harap ng lumalaking kontrobersiya, tinakda ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 304 ang paglipat ni Jad Dera, kasama sa kaso sa droga ni Senator Leila de Lima, mula sa National Bureau of Investigation (NBI) Detention Facility patungo sa Muntinlupa City Jail. Ang hakbang na ito ay kaugnay sa nalalapit na pag-demolish sa NBI Detention Facility para sa bagong imprastruktura.

Una nang nakita si Dera, kasama ng limang opisyal ng NBI security officers at isang empleyado, sa isang van sa labas ng compound ng ahensya. Ayon sa  ulat binibigyan si Dera ng mga pribilehiyo kapalit ng bayad, at kasalukuyang iniimbestigahan ang insidenteng ito.

Isinagawa ng Senate committees on justice and human rights and finance ang isang magkasamang pagdinig tungkol sa hindi awtorisadong mga lakad ni Dera mula sa sentro ng detensyon ng NBI.

Si Dera ay napag-alaman na mayroong mga baril, cash, at iba pang mga ipinagbabawal na bagay tuwing siya’y lumalabas. May ulat rin na nakita siya na kumakain sa isang buffet restaurant kasama ang kanyang umano’y kasintahan.

Inamin ni Dera sa Senado na siya’y lumabas mula sa pasilidad ng NBI ng maraming beses.

Isa lamang sa mga ito ang awtorisado ng isang utos ng korte. Kabilang sa kanyang mga hindi awtorisadong lakad ang pagdalaw sa isang ospital, isang biyahe noong Father’s Day, at isang insidente noong Hunyo 20 kung saan siya at mga bantay ng bilangguan ng NBI ay nahuli.

Kinumpirma rin niya ang pagbisita sa Calatagan, Batangas, at Tagaytay City kasama ng mga opisyal ng NBI. Subalit, tinanggi niya ang ulat na nagpunta siya sa Subic

Nang tinanong tungkol sa proseso para sa mga lakad na ito, ipinaliwanag ni Dera na hihiling siya kay NBI security officer Randy Godoy, na magpapasa ng kahilingan sa kanyang superior, si Adrian Feudo, na pinuno ng NBI Security Management. Nguni, lumabas ang mga hindi nagkakasundong testimonya nina Godoy at Feudo hinggil sa prosesong ito.

 

Continue Reading