Connect with us

National News

1.7 MILLION FILIPINOS, NAKATANGGAP NA NG NATIONAL ID; 42 MILLION REHISTRADO NA

Published

on

UMABOT na sa 1.7 million national ID cards ang naibigay sa mga Filipinos ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa Laging Handa press briefing, inihayag ni Assistant Secretary Rosalinda Bautista na batay ito sa data noong Setyembre 10.

Samantala, aabot naman sa 42 million Filipinos ang rehistrado na para sa national ID.

Maaaring gamitin ang national ID kapag mag-o-open ng account sa banko ayon sa PSA.

Dagdag ni Bautista halos 5 Million Filipinos na ang naka-open account sa banko gamit ang national ID program.

Inaasahan ng gobyerno na maka-enlist ng 50 Million Filipinos sa national ID bago matapos ang 2021.

Source: GMA News