Connect with us

National News

1-meter na distansya sa public transportation mananatili ayon kay PDuterte

Published

on

Photo Courtesy of Stephanie Joy Moral

MANANATILI sa 1 meter ang distansya sa mga pampublikong transportasyon alinsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte

Kinumpirma ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Aniya, ito ang naging desisyon ng pangulo kasunod sa rekomendasyon ng Inter-Task Force for the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF).

Una nang nag-desisyon ang Department of Transportation (DOTr) na papaikliin sa .75 meters ang distansya ng mga commuters sa mga pampublikong sasakyan.

Ngunit pahayag ni Roque, binalanse umano ng pangulo ang posisyon ng mga eksperto bago magpalabas ng desisyon.

Maliban sa pagpapanatili sa isang metrong distansya sa mga pasahero sa public transportation, mandatory pa rin ang pagsusuot ng face mask at face shield.