Connect with us

National News

10.4% ng mga Pamilyang Filipino, Nakakaranas ng Involuntary Hunger

Published

on

10.4% ng mga Pamilyang Filipino, Nakakaranas ng Involuntary Hunger

Ayon sa resulta ng survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS), humigit-kumulang na 10.4% ng mga pamilyang Pilipino ay nakaranas ng “involuntary hunger”, o nakakaranas ng gutom nang walang anumang makain, sa nakaraang tatlong buwan.

Ang “Overall Hunger” ay tumaas ng 0.6 punto mula Marso 2023 hanggang Hunyo 2023 dahil sa mga pagtaas ng bilang sa Metro Manila at Balance Luzon, kasabay ng steady na porsyento sa Visayas at malaking pagbaba sa Mindanao.

Tumaas ang “incidence of hunger” sa Metro Manila ng 5.0 puntos (mula 10.7% hanggang 15.7%) at sa mga lugar ng Balance Luzon ng 2.6 puntos (mula 8.7% hanggang 11.3%). Samantala, halos hindi nagbago sa Visayas (9.7% hanggang 9:3%), habang bumaba sa Mindanao ng 5.4 puntos (mula 11.7% hanggang 6.3%).

Ang kasalukuyang “hunger rate” ay sumasalamin sa 8.3% ng mga tumugon na nakaranas ng “moderate hunger” at 2.1% na nakaranas ng “severe hunger”.

Tumaas ng malaki ang “hunger rate” sa mga pamilyang “non-poor” hanggang 10.3% sa Hunyo mula 3.9% noong Marso. Gayunpaman, bumaba ito sa mga pamilyang Pilipinong nag-rate sa kanilang sarili bilang mahirap sa 10.5% mula 15.4%.

Ang inflation rate ay patuloy na bumababa sa loob ng limang sunod na buwan, bumagal ito sa 5.4% nitong Hunyo na pangunahing dahilan sa mas mabagal na pagtaas ng mga presyo ng pagkain.

Ginawa ang survey mula Hunyo 28 hanggang Hulyo 1 sa pamamagitan ng face-to-face na mga panayam sa 1,500 adult Pilipino. Ang mga “error margins” ay ±2.5% para sa mga “national percentages”, ±4.0% sa Balance Luzon, at ±5.7% bawat isa para sa Metro Manila, ang Visayas, at Mindanao.

Continue Reading