Connect with us

National News

10 FILIPINO SEAFARERS NA NAIULAT NA MISSING, “SAFE AND ACCOUNTED FOR” NA — DFA

Published

on

beirut blast photo

Ligtas at kumpleto ang 10 sa 11 Filipino seafarers na iniulat na missing kasunod ng pagsabog sa Beirut, Lebanon noong Martes, Agosto 4.

Ito ang kinumpirma ng Department of Foreign Affairs base naman sa natanggap nilang impormasyon mula sa Philippone Embassy Beirut.

“The 10 suffered minor injuries and are now with the management of the shipping company Abu Merhi Cruises at Ain el Mraiseh, Beirut. The company operates the orient Queen Cruises,” ayon sa DFA.

Nananatiling missing ang isa pang seaman.

Ipinasiguro ng Philippine Embassy Beirut na minomonitor nila ang kondisyon ng mga seamen at iba pang pinoy na nadamay.

Ipinaalam din ng DFA na safe ang kanilang mga personnel sa embahada.

Nauna ng kinumpirma ng DFA na dalawang pinoy ang namatay at walo ang nasugatan sa insidente.

Sa pinakahuling impormasyon mula sa Lebanon government, ini-house arrest ang ilang officials sa Beirut habang iniimbestigahan ang trahedya na nag-iwan ng hindi bababa sa 135 kataong namatay at mahigit 4000 ang nasugatan.

Nagsimula na rin ang dalawang linggong state of emergency.

Ayon sa pahayag ni President Michel Aoun na ang naturang pagsabog ay mula sa 2,750 toneladang ammonium nitrate na “unsafe” na nakatago sa pyer.