Health
10% ng population sa Pilipinas, fully vaccinated na


Lagpas na 10 percent ng buong populasyon ng Pilipinas ang nabakunahan laban sa COVID-19, ayon kay Secretary Carlito Galvez Jr., ang national vaccine manager. Inanunsyo niya ito kahapon ng Linggo sa Ninoy Aquino International Airport na kung saan pinangasiwaan niya ang pagdating ng higit 300,000 Moderna doses.
Higit 24.1 million ng iba’t ibang doses ang naibigay sa buong bansa, 12.9 million dito ang first dose at ang 11.2 million ay ang sa second dose, ayon kay Galvez.
Ang kabuuang bilang ng mga Filipino na nakatanggap ng kanilang second doses ay kumakatawan sa 15.88 percent na targeted eligible population—sila ang mga edad 18 pataas—at 10.13 percent ng kabuoang populasyon, dagdag niya.
“Our numbers are very good, we can see that within the span of two days we can get one million [doses],” sabi ni Galvez.
Source: Inquirer.Net