Connect with us

National News

Published

on

Nagbabala ang isang professor ng University of the Philippipnes (UP) na maaaring maantala ang mga pangako ng Dito Telecommunity na magbigay ng mas mabilis at maaasahang network bunsod ng kanilang kinakaharap na problema sa kanilang underwater cable projects.

Ayon kay Prof. Glen Imbang, isang technology expert mula sa UP, maaaring mapurnada ang ipinangakong roll out date at bilis ng internet ng Dito Telecommunity dahil sa pagkakabasura ng kanilang United States – Hong Kong submarine cable project kaya naman kailangan na nilang maghanda ng mga backup plan.

Iniulat kamakailan na ibinasura ng Facebook, Inc. at Google ang plano ng Dito na pagdugtunging ang US at Hong Kong sa pamamagitan ng underwater cable dahil umano sa isyu ng cybersecurity.

Binawi umano ng mga Big Tech giants ang planong paglalagay ng mga kable na kailangan para sa data transmission sapagkat nangangamba ang administrasyong Trump na gagamitin ng China ang mga kable sa pangangalap ng impormasyon tugkol sa mga Amerikano.

“If Dito will opt to build its own submarine cable, then it’s the rollout timeline that will be (put in peril),” sabi ni Imbang sa isang pahayag.
Samantala, hindi tumugon ang chief administrative officer ng Dito na si Adel Tamano nang hingan ng komento tungkol sa isyu.

Ayon naman kay William Emmanuel Yu, network security analyst sa Ateneo de Manila University wala itong magiging epekto sa timeline ng Dito.
“It’s not even made yet and let’s assume it does not get made, there are many other cable routes already available,” Yu said. “If I were Dito, I’ll just buy from the existing ones.”

Ayon sa isang ulat sa Bloomberg noong Agosto 29, hindi pa tuluyang inabandona ng mga the tech giants ang naturang linkage project at katunayan ay nagsumite pa sila ng isang bagong panukala na kapareho sa orihinal na plano iyon nga lamang ay hindi kasama ang Pacific Light Data Communication Co., isang Hong Kong-based na kumpanya at dati nilang kasosyo sa project.

Sa ngayon at hindi pa malinaw kung magiging gaano katagal ang pagdurugtong ng mga kable, at kung magiging accessible na ba ito sa mga konsumidor sa Marso 2021, kagaya ng naka-takda.

“I’m not saying there won’t be any problems because there might be other parts of the deal that we’re not aware of but definitely they always have the option to buy from existing (lines),” ani Yu.

Nauna nang humingi ang Dito ng anim na buwang postponement ng kanilang technical launch, kung san susuriin ng pamahalaan kung maide-deliver ba ng telco firm ang required na speed at coverage.

Matatandaang nangako ang Dito na sa unang taon ng kanilang pag-operate ay magde-deliver sila ng minimum speed na 27 Mbps at 37% network coverage.