National News
167,000 na manggagawa mawawalan ng trabaho at makakaranas ng pay cuts dulot ng Metro Manila Lockdown
Hindi bababa sa 167,000 na manggagawa sa Manila ang apektado ng two-week lockdown simula Agosto 6, ayon sa data galing sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Ito ay binubuo ng 40,000 na manggagawa na maaring mawalan ng trabaho at 127,000 pang manggagawa na maaring magkaroon pa ng reduction sa kanilang mga sahod.
Habang nasa enhance community quarantine (ECQ), ang mga essential lang na mga industries tulad ng mga ospital, food and drug manufacturers ang pinapayagang mag-operate sa full capacity. Ibig sabihin, karamihan ng mga daily wage earners sa nonessential sectors, tulad sa leisure at entertainment, ay mababawasan o mawawalan ng income sa loob ng dalawang linggo.
Gayunpaman, ang mga public transportation ay inaasahan na tuloy parin ang operasyon habang na sa ilalim ng ECQ, ayon sa Malacañang.
Sa simula ng taon, 152,987 na manggagawa sa Metro Manila ay nawalan ng trabaho, o may average na 21,800 na manggagawa sa loob ng isang buwan, ayon sa ulat galing sa Dole’s Bureau of Local Employment.
Mayroon ding 127,300 na manggagawa sa Metro Manila ang nasa reduce workdays dahil sa “flexible work arrangement”, o may average na 18,100 na manggagawa sa isang buwan ang nakaranas ng “salary cut”.
“Aside from those who will permanently lose their jobs, those who are under flexible work arrangement are also worried,” sabi ni Assistant Labor Secretary Dominique Tutay sa isang briefing kahapon.
Noong Marso, nang isinailalim ang Metro Manila sa lockdown, 27,109 na manggagawa ang nawalan ng trabaho. Na-retrenched din ang 21,873 na manggawa sa sumunod na buwan.
Sa buong 152,987 na nawalan ng trabaho sa national capital region noong Enero, 57,362 ay mga contruction workers; 19,706 ay mga nasa accommodation and food service; 10,163 ay mga nasa information and communication sector, at 10,063 ang nasa wholesale at retail trade at repair of motor vehicles and motorcycles.
Ayon kay Tutay, na-estimate niya na nasa 30,000 hanggang 40,000 na manggagawa sa Metro Manila ang maaring mawalan ng trabaho dahil sa mangyayaring lockdown.
Walang ng Pera
Ang labor department naman, ay wala ng maibibigay na cash assitance para sa mga mangagawa na madi-displaced.
May hindi tataas na P4 billion nalang ang natitira sa emergency program sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantage/Displaced Workers (Tupad).
“Bayanihan 2 has technically ended June 30 of this year and therefore we have no more legal basis to give ‘ayuda’ except using our Tupad funds,” sabi ni Tutay.
Sinigurado naman ng Malacañang na ang eligible Metro Manila residents ay makakatanggap ng financial assistance sa panahon ng two-week ECQ, bagamat ang budget officials ng bansa ay naghahanap pa para sa source of funding.
Ayon naman kay Presidential spokesperson Harry Roque, ang assistance ay magkakahalaga ng P1,000 kada indibidwal, pero ang isang pamilya ay makakatangap lang ng maximum of P4,000.
Ang mga residente ng Metro Manila ay makakakuha nang parehong halaga tulad sa mga residente ng Cagayan de Oro City, Iloilo Province, Iloilo City, at Gingoog City, na unang ng nasa ilalim sa ECQ, ayon kay Roque.
“This will surely be provided. What is not certain is where we will get the amount,” sabi niya.
Dagdag pa niya na ang mga officials ng Department of Budget and Management ay napulong na kahapon para matukoy ang funding sources.
Informal sector workers
Ayon naman sa grupo na nag rerepresenta sa informal waste sector sa Metro Manila at sa environmental health watchdog, kailangan rin ng gobyerno i-extend ang ayuda sa mga informal waste workers o sa mga scrap collectors na makakasama sa mga displaced na manggagawa ngayong lockdown.
“Our plea is for the government to give us something to eat daily, because we will not have a source of livelihood if we would not be allowed to go out and sort scrap materials,” ayon kay Ronaldo Sarmiento ng Samahan ng mga Mangangalakal ng Scrap sa Capulong.
Source: Inquirer.Net