National News
17 Chinese nationals, inaresto ng NBI dahil sa mga scamming activities
Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 17 mga Chinese nationals dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa mga scamming activities.
Sinabi ni NBI Director Judge Jaime B. Santiago (Ret.) na may nagsumbong sa kanilang Chinese national na mayroon umano siyang kaibigan na illegal na idinetain, tinorture at sapilitang pinagawa ng mga illegal na aktibidad gaya ng mga panloloko o scam.
Dahil dito, nagsagawa ng joint rescue operation ang NBI-Special Task Force (NBI-STF) at NBI-Human Trafficking Division (NBI-HTRAD) sa La Casa Rabina, Tagaytay City kung saan naispatan ang biktima.
Doon nahuli sa akto ang 17 Chinese nationals na nagsasagawa ng mga iligal na aktibidad.
Patung-patong na kaso ang kakaharapin ng mga ito.