Connect with us

Aklan News

180 housing units para sa mga apektado ng Kalibo Airport Expansion sisikaping matapos sa loob ng isang taon – DOTR

Published

on

SISIKAPIN ng Department of Transportation’s (DOTr) na matapos sa loob ng isang taon ang 180 housing units projects para sa Kalibo Airport expansion.

Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista ang naturang 180 housing units sa barangay Tigayon, Kalibo ay bahagi ng social component ng DOTr infrastructure projects.

“Umaasa tayong matatapos gawin itong isang daan at walumpong bahay dito sa resettlement site sa loob ng isang taon at tatlong buwan upang mapakinabangan ng mga apektadong pamilya,” ani Sec. Bautista.

Aniya pa, ang airport development ay magpapalakas ng aktibidad ng eco-tourism at maghahatid ng napakalaking benepisyo sa lugar.

“Higit sa lahat, pag natapos ang airport, lalong sisigla ang inyong kabuhayan dahil sa pagdami ng mga flights na lumilipad dito,” paliwanag pa nito.

Ang naturang relocation project ay proyekto ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), Department of Public Works and Highways (DPWH), Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), National Housing Authority (NHA), at Local Government Unit ng Kalibo.