National News
20% DISCOUNT SA MGA GOV’T CERTIFICATES PARA SA MGA MAHIHIRAP NA JOB APPLICANTS, INAPRUBAHAN NG HOUSE OF REPRESENTATIVES


Inaprubahan ng House of Representatives ngayong araw Agosto 25, sa third at final reading ang bill na nagbibigay sa mga mahihirap na job applicants ng 20% discounts sa mga bayaran para sa gov’t certificates at clearances.
Sa botong 228-0, inaprubahan ng chamber ang HB 6593 o “Poor Job Applicants Discount Act.”
Sa nasabing bill, mabibigyan ang mga job applicants ng 20% discount sa mga bayaran sa fees at charges sa sumusunod na mga dokumento na madalas kailangan ng mga aplikante:
* Barangay clearance
* NBI clearance
* Police clearance
* Medical certificate for local employment from any government hospital license by the Department of Health
* Marriage certificate from the Philippine Statistics Authority (PSA)
* Birth certificate from PSA
* Transcript of records from state universities ang colleges (SUCs)
* Certificate of Good Moral Character from SUCs
* Other required documentary requirements issued by the government
Pwede lamang ma-avail ang discount isang beses sa kada anim na buwan sa bawat government agency.