Connect with us

National News

Utang ng Pinas, lagpas na sa P9-trillion ngayong June – Bureau of Treasury

Published

on

Umakyat na sa lagpas ₱9-trillion ang utang ng Pilipinas ngayong Hunyo 2020 ayon sa Bureau of the Treasury ngayong Miyerkoles.

Dahil umano ito sa hiram ng gobyerno mula sa mga local at foreign sources para mapondohan ang COVID-19 pandemic.

Sa pahayag ng Treasury, sumipa sa ₱9.05 trillion ang utang ng bansa sa unang kalahating taon, nadagdagan ito ng ₱163.3 billion kung ikukumpara sa buwan ng Mayo dahil sa patuloy na paghiram ng pondo para sa gastusin sa pandemya.

Nadagdagan naman ng ₱1.3 trillion ang utang kung ikukumpara noong 2019.