National News
PAG UWI NG MGA LSIs AT ROFs sa ILOILO AT BACOLOD CITIES AT NEG. OCC, SINUSPENDE NG 14 ARAW
Temporaryong sinuspende ng tatlong LGUs sa Western Visayas ang pagpapauwi sa mga residente nito at mga returning overseas Filipinos para mahinto ang pagkalat ng COVID-19.
Ito ay ang probinsya ng Negros Occidental at mga syudad ng Bacolod at Iloilo kung saan 14 na araw na suspensyon ang kanilang hiningi sa DILG dahil sa malapit na umanong mapuno ang kanilang mga quarantine facilities.
Ipinahayag ni Juan Jovian Ingeniero, DILG Reg. 6, Director na dahil sa delays ng swab test results kung kayat punuan na ang mga isolation facilities at hindi agad mairelease ang mga naka-quarantined dagdag pa ang ibang pasyente na may mga respiratory disease.
Nais rin umano ng mga LGUs na bigyan ng break ang mga pagod ng health workers.
“Tinitingnan talaga nila ang general welfare ng kanilang constituents na iyong lessons learned na nangyari sa ibang cities, tulad ng Cebu at iyong nangyari sa National Capital Region, ayaw nilang mangyari sa Region 6. Naging proactive sila na alam nila ang pagkukulang nila”, ayo kay Ingeniero.
Magtatagal hanggang Aug. 21 ang pag ban sa mga uuwing LSIs sa nasabing probinsya at syudad sa region 6.
Dahil dito, daan-daan namang mga residente na uuwi sa naturang mga lugar ang na stranded ngayon sa Manila ayon sa Philippine Ports Authority.