Connect with us

National News

207 Barkong Tsino na nakita sa West Philippine Sea, bagong Record-High

Published

on

207 Barkong Tsino na nakita sa West Philippine Sea, bagong Record-High

MANILA – Nakapagtala ang Philippine Navy ng hindi bababa sa 207 barkong Tsino sa West Philippine Sea, na itinuturing na bagong record-high ngayong taon matapos humupa ang isang malakas na bagyo sa lugar.

Sa regular na media briefing sa Camp Aguinaldo, sinabi ni Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, tagapagsalita ng Philippine Navy para sa West Philippine Sea, na may ilang barkong Tsino ang umalis nang dumaan ang tropical storm na si Enteng, ngunit agad itong napalitan ng iba pang mga barko.

“No number is acceptable in as much as one ship within our EEZ is not acceptable,”, ayon kay Trinidad sa mga mamamahayag. Idinagdag pa niya, “The numbers are within the range of the force projection capability of the South Sea Fleet, the Chinese Coast Guard, and the maritime militia. So long as these are the forces within theater and they don’t bring in other forces from the East Sea Fleet and the North Sea Fleet, then this is still within the normal range of their capability”.

Mas Marami sa Escoda Shoal

Ayon sa pinakabagong datos mula Setyembre 3 hanggang 9, mayroong 182 maritime militia vessels, 18 China Coast Guard (CCG) vessels, 6 People’s Liberation Army Navy (PLAN) vessels, at 1 research and survey vessel sa lugar. Bahagyang mataas ito kaysa sa 203 barko na naitala mula Agosto 27 hanggang Setyembre 2. Ang karamihan sa mga barko ay nakatuon sa Escoda Shoal — Ang sentro ng kamakailang pag-atake ng Tsina — at nakapalibot sa nag-iisang Philippine Coast Guard (PCG) vessel na BRP Teresa Magbanua.

Pagtaas ng Presensya sa Rozul Reef

Sinabi rin ni Trinidad na sinusuri ng Philippine Navy ang sitwasyon sa Rozul Reef (Iroquois Reef), kung saan tumaas ang presensya ng mga barkong Tsino — 58 maritime militia ships at 1 mula sa PLAN.

“We are still trying to assess why there is an increase in number in Iroquois or Rozul Reef. However, we could state that for Sabina or Escoda, it’s because of the extra attention that we have given to that particular shoal. For Iroquois or Rozul, we are still trying to assess,” paliwanag ni Trinidad.

Ang patuloy na pagdami ng mga barkong Tsino sa West Philippine Sea ay nakababahala para sa parehong seguridad at kalayaan ng bansa. Ito ang dahilan kung bakit ginagampanan ng ating gobyerno ang seryosong pagmonitor at pagsisikap kung paano mas mapoprotektahan ang ating teritoryo laban sa ano mang banta mula sa ibang bansa.

Photo:Philippine Coast Guard FB page