Connect with us

National News

25 kapulisan para sa UN Peacekeeping sa South Sudan, dineploy

Published

on

Photo: PNP-PIO

Pinangunahan nina PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. at Special Assistant to the President Secretary Antonio Ernesto F. Lagdameo Jr. ang send-off ceremony para sa 25 tauhan ng PNP na dineploy sa United Nations Mission in South Sudan (UNMISS).

Malaki ang tiwala ni Acorda sa mga pinadalang 25 kapulisan na iwawagayway ang watawat na may karangalan at integridad sa pagganap ng kanilang mga tungkulin.

Idiniin ni Acorda na dapat na bigyang halaga ang international peacekeeping efforts na naglalayong itaguyod ang pandaigdigang kapayapaan at seguridad ng bansa.

Suporta naman ang pabaon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga kapulisan ayon kay Lagdameo.

Ang UN Peacekeeping mission ay matagal nang tradisyon na nilalahukan ng PNP para mapabuti at maprotektahan ang mga komunidad para itaguyod ang mga prinsipyo ng UN.

Ani Lagdameo, malaki ang kanyang respeto sa mga pulis na napapadala sa UN mission kaya nararapat lamang ang tamang pagkilala sa kanila.