National News
3.6 MILLION NA MGA PINOY, NAKAKARANAS NG MENTAL DISORDER SA GITNA NG PANDEMYA
Tinatayang nasa 3.6 million na mga Pinoy ang nakakaranas ng mental disorders sa gitna ng kinakaharap na COVID-19 pandemic.
Ito ay base sa survey ng Dept. Of Health na iprenisenta ni DOH National Mental Health Program head Frances Prescila Cuevas sa isang online press briefing.
Natuklasan sa report ng ahensya na ang nasabing data ay kinabibilangan ng mental, neurological at substance use disorders.
Subalit naniniwala ang DOH na posibleng mas mataas pa ang figures sa bansa dahil ang kinuhaan ng data ay base lang sa tatlong selected conditions.
“This could be more because these are only selected conditions that we are looking at. We hope to be able to have a full spectrum of the results next year”, pahayag ni Cuevas.
May nakakaalarma rin umanong numero ng tawag na natanggap ang National Center for Mental Health (NCMH).
Ayon sa ahensya, ang Crisis Hotline ng nasabing tanggapan ay nakakatanggap ng 32-37 na tawag bawat araw simula Marso 17 hanggang Oktubre 6.
907 umano ang average call. Sa itong mga tawag, nag-a-average ng 53 monthly calls ang may kaugnayan sa suicide.
Ang tatlo umanong nangungunang rason ng pagtawag ng mga tao ay ang anxiety-related concerns, pagtatanong tungkol sa referral sa psychiatrist at inquiry tungkol sa hospital services.