National News
36 Japanese nat’ls, arestado ng BI dahil sa telecom scam
Arestado ng mga alagad ng Bureau of Immigration (BI) ang 36 na Japanese nationals matapos umanong masangkot sa telecommunications scam.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, nakatanggap sila ng tawag mula sa gobyerno ng Japan na ang mga Japanese nationals na sina Nobuki Oshita, 20 at Yusuke Kiya, 33 -anyos ay may standing warrant of arrest sa kasong theft sa Japan, dahilan para maglabas ng mission order ang bureau laban sa dalawa.
Sa nasabing operasyon na ginanap sa isang hotel, kasamang naaresto ang 34 iba pang Japanese nationals dahil sa pagkakasangkot naman sa voice phishing operations.
“Upon verification with the Japanese police, it was found out that all 36 are members of an organized crime group involved in telecom fraud and extortion,” ani Fugitive Search Unit (FSU) head Bobby Raquepo.
Ang nasabing grupo ay nakapambiktima na umano ng halos 1,393 Japanese nationals. Ang danyos na ipinataw ay umaabot sa halagang 2 bilyong yen.