National News
361 pumasa sa October 2021 CPA licensure exam
Inanunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC) ang 361 passers ng October 2021 Certified Public Accountant Licensure Exam (CPALE).
Ang nabanggit na numero ay 15.3% ng 2,367 na kabuuang examinees.
Mas mataas ito kung ihahambing sa CPALE noong 2019 na mayroon lang na 14.32% passing rate.
Pero ang kabuuang bilang ng examinees ngayong taon ay mas mababa naman kung ikukumpara sa 14,492 aspiring CPAs na kumuha ng exam noong 2019.
Wala ring examinees na naging kwalipikado bilang topnotchers at paaralan na kwalipikado sa “top performing schools” ngayong taon ayon sa PRC Board.
Isinagawa ang exams sa Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pagadian, Rosales, San Fernando, Tacloban, Tuguegarao at Zamboanga.
Ayon sa PRC, ang petsa at lugar ng oathtaking ceremony para sa mga pumasa ay iaanunsyo sa lalong madaling panahon.