Facts & Trivia
3rd DEEPEST SPOT SA BUONG MUNDO, NAAROK NG PINOY SCIENTIST SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON
Isa ang pinoy scientist na si Dr. Deo Florence Onda sa dalawang unang nakarating sa kailaliman ng itinuturing na third-deepest spot in the world na Emden Deep ng Philippine Trench.
Sinisid ni Dr. Onda ang Emden Deep na may lalim na 10,045 metro o humigit-kumulang sa 34,100 feet talampakan. Katumbas ito ng 12 pinagpatong-patong na Burj Khalifa, ang pinakamataas na gusali sa buong mundo.
Kasama ng pinoy scientist si Victor Vescovo sa pagsisid sa Emden deep. Kasalukuyang hawak ni Vesc ovo ang record ng pagsisid sa Mariana Trench noong 2019.
Si Dr. Onda ay isang oceanographer at isang associate professor sa University of the Philippines Marine Science Institute.
Salaysay ni Dr. Onda, “I am equally proud and very happy to be making this voyage with my fellow Pinoys onboard. It felt like I have brought a home with me into this expedition. Thank you for looking after me, taking care of me, and for cheering me up [every day].”