Connect with us

National News

405k Filipino Overseas Workers ang napauwi na sa gitna ng pandemya- DFA

Published

on

OFW

Bilang ng mga repatriated Overseas Filipino Workers (OFW) umabot na lagpas sa 405,000, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon ng Huwebes.

Sa isang briefing ng House overseas workers affairs committee, inilahad ng DFA na mayroong kabuuang 405,769 overseas Filipinos ang napauwi na simula pa lang ng COVID-19 pandemic noong Marso 2020.

Sa bilang na ito, 105,606 ay sea-based overseas Filipino workers, habang 300,163 ang mga land-based overseas Filipinos, ayon sa figures noong July 28 na ibinigay ng DFA.

Ayon sa DFA may kabuuang 4,960 overseas Filipino ang mapapauwi sa susunod na buwan.

Sa kabila nito, naitala ng Department of Labor and Employment na umabot na sa 23,121 ang OFWs na nagkaroon ng COVID-19 infections.

Sa bilang na ito, 12,528 na ang gumaling, samantala 1,181 naman ang nasawi

Source: GMA News