National News
4,104 na OFWs, Nagnegatibo sa COVID-19 tests ayon sa PCG
Nagnegatibo sa COVID-19 test ang mahigit 4,000 pang overseas Filipino workers (OFWs).
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), sa isinagawang RT-PCR testing para sa COVID-19, nasa 4,104 pang OFWs ang lumabas na negatibo sa sakit.
Ang Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs ang nagsagawa ng pagsusuri sa mga nabanggit na bilang ng OFWs.
Nakahanda na din ang quarantine clearances para sa OFWs, saad ng PCG.
Samantala, anumang araw sa linggong ito, maaari naman nilang matanggap ang clearance ng mga OFW.
Continue Reading