National News
43 TAUHAN NG RITM, NAGPOSITIBO SA COVID 19
Kinumpirma ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na 43 staff nito ang nagpostibo sa COVID 19.
Dahil dito, kailangang mag slowdown ang operasyon ng RITM upang magbigay daan sa disinfection ng pasilidad at testing ng kanilang mga tauhan.
Inaasahang magtatagal ito hanggang April 24.
Paglilinaw ni Dr. Celia Carlos, derektor ng RITM tanging ang laboratories lang ang maapektuhan ng temporary slowdown habang mananatiling naka full swing ang operasyon ng kanilang hospital.
Magpapatupad naman ang DOH ng zoning system para sa referral ng mga specimen sa ibang mga sub-national laboratories sa buong bansa pero hahawakan pa rin ng RITM ang swab na manggagaling sa Muntinlupa, Parañaque, Las Piñas at Pasay.
Ayon pa kay Dr. Carlos, umabot sa 5 libong specimen ang pending o natengga sa RITM buhat ng mabawasan ang kanilang manpower.
Kaya naman nakipag partner na sila sa Department of Agriculture (DA) at Philippine Red Cross (PRC) para sa karagdagang RT-CPR machine.
Naghahanap na rin ang pamunuan ng karagdagang medtech at encoder para punan ang naiwang trabaho.
Sa Kabila ng nangyari, positibo ang RITM na matatapos ang backlogs nito sa katapusan ng Abril.